Add parallel Print Page Options

Turo tungkol sa Pananalangin(A)

“At(B) kapag kayo ay nananalangin, huwag kayong maging tulad sa mga mapagkunwari; sapagkat ibig nilang tumayo at manalangin sa mga sinagoga at sa mga panulukan ng mga lansangan upang makita sila ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.

Ngunit kapag ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at pagkasara mo ng iyong pinto ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakakita ng mga lihim ay gagantimpalaan ka.[a]

“At sa pananalangin ay huwag kayong gumamit ng walang kabuluhang paulit-ulit, na tulad ng ginagawa ng mga Hentil, sapagkat inaakala nilang sila ay pakikinggan dahil sa marami nilang salita.

Huwag nga kayong tumulad sa kanila, sapagkat alam na ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago pa kayo humingi sa kanya.

Manalangin nga kayo nang ganito: Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang pangalan mo.

10 Dumating nawa ang kaharian mo. Masunod nawa ang kalooban mo, kung paano sa langit, gayundin naman sa lupa.

11 Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw.[b]

12 At patawarin mo kami sa aming mga utang, gaya rin namin na nagpapatawad sa mga may utang sa amin.

13 At huwag mo kaming dalhin sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama.[c]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 6:6 Sa ibang mga kasulatan ay gagantimpalaan ka ng hayagan .
  2. Mateo 6:11 o pagkain namin sa kinabukasan .
  3. Mateo 6:13 Ang ibang mga kasulatan ay mayroong ganito. Sapagkat iyo ang kaharian, ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman. Amen .