Mateo 5:23-25
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
23 Kaya kung nasa altar ka at nag-aalay ng iyong handog sa Dios, at maalala mong may hinanakit sa iyo ang iyong kapatid, 24 iwanan mo muna ang handog mo sa harap ng altar. Makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid at saka ka bumalik at maghandog sa Dios.”
25 “Kapag may nagdedemanda sa iyo, makipag-ayos ka kaagad sa kanya habang papunta pa lang kayo sa hukuman. Dahil kapag nasa hukuman na kayo, ibibigay kayo ng hukom sa alagad ng batas upang ipabilanggo.
Read full chapter
Mateo 5:23-25
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
23 Kaya't kung mag-aalay ka ng iyong handog sa dambana at doon ay naalala mong may sama ng loob sa iyo ang iyong kapatid, 24 iwan mo ang iyong handog sa harap ng dambana at umalis ka. Makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid at pagkatapos ay bumalik ka at ialay mo ang iyong handog. 25 Agad kang makipagkasundo sa naghabla sa iyo habang papunta pa lamang kayo sa hukuman, kung hindi ay ibibigay ka niya sa hukom, at ibibigay ka ng hukom sa bantay at ikaw ay masasadlak sa bilangguan.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
