Mateo 27:20-22
Magandang Balita Biblia
20 Ang mga tao nama'y hinikayat ng mga punong pari at ng mga pinuno ng bayan[a] na hilingin kay Pilato na si Barabbas ang palayain at si Jesus ay ipapatay. 21 Muli silang tinanong ng gobernador, “Sino sa dalawa ang nais ninyong palayain ko?”
“Si Barabbas!” sigaw ng mga tao.
22 Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Jesus, na tinatawag na Cristo?”
At sumagot ang lahat, “Ipako siya sa krus!”
Read full chapterFootnotes
- Mateo 27:20 pinuno ng bayan: Sa Griego ay matatanda .
Mateo 27:20-22
Ang Biblia, 2001
20 Subalit hinikayat ng mga punong pari at ng matatanda ang maraming tao na hingin nila si Barabas at patayin naman si Jesus.
21 Sumagot muli ang gobernador at sinabi sa kanila, “Alin sa dalawa ang ibig ninyong pakawalan ko sa inyo?” At sinabi nila, “Si Barabas.”
22 Sinabi sa kanila ni Pilato, “At anong gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Cristo?” Sinabi nilang lahat, “Ipako siya sa krus!”
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
