Add parallel Print Page Options

35 Sinabi sa kaniya ni Pedro, (A)Kahima't ako'y mamatay na kasama mo, ay hindi kita ikakaila. Gayon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad.

36 Nang magkagayo'y dumating si Jesus (B)na kasama sila sa isang dako na tinatawag na (C)Getsemani, at sinabi sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y pumaparoon doon at manalangin.

37 At kaniyang isinama si Pedro (D)at ang dalawang anak ni Zebedeo, at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo.

Read full chapter