Mateo 26:30-32
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
30 At pagkaawit ng isang himno, sila'y nagpunta sa Bundok ng mga Olibo.
Paunang Sinabi ang Pagkakaila ni Pedro(A)
31 Sinabi(B) ni Jesus sa kanila, “Sa gabing ito, ako'y iiwan ninyong lahat, gaya ng sinasabi sa Kasulatan, ‘Papatayin ko ang pastol at magkakawatak-watak ang mga tupa.’ 32 Ngunit(C) pagkatapos na ako'y muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea.”
Read full chapter
Mateo 26:30-32
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
30 Pagkatapos nilang umawit ng imno ay nagtungo sila sa Bundok ng mga Olibo.
Sinabi ang Pagtatatwa ni Pedro(A)
31 Pagkatapos (B) ay sinabi ni Jesus sa kanila, “Tatalikuran ninyo akong lahat sa gabing ito. Sapagkat nakasulat, ‘Hahampasin ko ang pastol, at magtatakbuhan ang mga tupa ng kawan.’ 32 Ngunit (C) matapos na ako'y maibangon na, mauuna ako sa inyo sa pagpunta sa Galilea.”
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
