Print Page Options

30 At pagkaawit nila ng isang himno, ay nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo.

31 Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan.

32 Datapuwa't pagkapagbangon ko, ay mauuna ako sa inyo sa Galilea.

Read full chapter

30 (A)At pagkaawit nila (B)ng isang himno, ay (C)nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo.

31 Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay (D)mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagka't nasusulat, (E)Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan.

32 Datapuwa't pagkapagbangon ko, ay (F)mauuna ako sa inyo sa Galilea.

Read full chapter

30 At pagkaawit nila ng isang himno ay nagtungo sila sa Bundok ng mga Olibo.

Paunang Sinabi ang Pagtatatwa ni Pedro(A)

31 Pagkatapos(B) ay sinabi ni Jesus sa kanila, “Kayong lahat ay tatalikod[a] dahil sa akin sa gabing ito; sapagkat nasusulat, ‘Sasaktan ko ang pastol, at ang mga tupa ng kawan ay magkakawatak-watak.’

32 Subalit(C) matapos na ako'y maibangon na ay mauuna ako sa inyo sa Galilea.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 26:31 o matitisod .

30 Pagkaawit ng isang himno, sila ay umalis patungo sa bundok ng mga Olibo.

Ipinagpauna ni Jesus ang Pagkakaila ni Pedro

31 Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kanila: Kayong lahat ay matitisod dahil sa akin sa gabing ito sapagkat nasusulat:

Sasaktan ko ang pastol at mangangalat sa ibang dako ang mga tupa ng kawan.

32 Ngunit pagkatapos na ako ay ibinangon, mauuna ako sa inyo sa Galilea.

Read full chapter

30 Pagkatapos nilang umawit ng imno ay nagtungo sila sa Bundok ng mga Olibo.

Sinabi ang Pagtatatwa ni Pedro(A)

31 Pagkatapos (B) ay sinabi ni Jesus sa kanila, “Tatalikuran ninyo akong lahat sa gabing ito. Sapagkat nakasulat, ‘Hahampasin ko ang pastol, at magtatakbuhan ang mga tupa ng kawan.’ 32 Ngunit (C) matapos na ako'y maibangon na, mauuna ako sa inyo sa pagpunta sa Galilea.”

Read full chapter