Mateo 26:30-32
Ang Biblia, 2001
30 At pagkaawit nila ng isang himno ay nagtungo sila sa Bundok ng mga Olibo.
Paunang Sinabi ang Pagtatatwa ni Pedro(A)
31 Pagkatapos(B) ay sinabi ni Jesus sa kanila, “Kayong lahat ay tatalikod[a] dahil sa akin sa gabing ito; sapagkat nasusulat, ‘Sasaktan ko ang pastol, at ang mga tupa ng kawan ay magkakawatak-watak.’
32 Subalit(C) matapos na ako'y maibangon na ay mauuna ako sa inyo sa Galilea.”
Read full chapterFootnotes
- Mateo 26:31 o matitisod .
Mateo 26:30-32
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
30 Pagkatapos nilang umawit ng imno ay nagtungo sila sa Bundok ng mga Olibo.
Sinabi ang Pagtatatwa ni Pedro(A)
31 Pagkatapos (B) ay sinabi ni Jesus sa kanila, “Tatalikuran ninyo akong lahat sa gabing ito. Sapagkat nakasulat, ‘Hahampasin ko ang pastol, at magtatakbuhan ang mga tupa ng kawan.’ 32 Ngunit (C) matapos na ako'y maibangon na, mauuna ako sa inyo sa pagpunta sa Galilea.”
Read full chapter
Mateo 26:30-32
Ang Biblia (1978)
30 (A)At pagkaawit nila (B)ng isang himno, ay (C)nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo.
31 Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay (D)mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagka't nasusulat, (E)Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan.
32 Datapuwa't pagkapagbangon ko, ay (F)mauuna ako sa inyo sa Galilea.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978