Add parallel Print Page Options

29 Ngunit sinasabi ko sa inyo, mula ngayon ay hindi na ako iinom ng katas ng ubas hanggang sa maipanumbalik ko ang aking pag-inom nito sa paghahari ng aking Ama.

30 Pagkaawit ng isang himno, sila ay umalis patungo sa bundok ng mga Olibo.

Ipinagpauna ni Jesus ang Pagkakaila ni Pedro

31 Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kanila: Kayong lahat ay matitisod dahil sa akin sa gabing ito sapagkat nasusulat:

Sasaktan ko ang pastol at mangangalat sa ibang dako ang mga tupa ng kawan.

Read full chapter