Mateo 26:1-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Balak Laban kay Jesus(A)
26 Matapos isalaysay ni Jesus ang lahat ng ito ay sinabi niya sa kanyang mga alagad, 2 “Gaya ng inyong nalalaman,(B) dalawang araw pa at sasapit na ang Paskuwa, at ipagkakanulo ang Anak ng Tao upang ipako sa krus.” 3 Pagkatapos nito, ang mga punong pari at ang matatandang pinuno ng bayan ay nagpulong sa palasyo ng Kataas-taasang Pari, na nagngangalang Caifas. 4 At nagsabwatan silang palihim na dakpin at patayin si Jesus. 5 Subalit kanilang sinabi, “Huwag sa kapistahan, baka magkagulo ang mga taong-bayan.”
Read full chapter
Marcos 14:1-2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Balak Patayin si Jesus(A)
14 Dalawang (B) araw na lamang bago ang Paskuwa at ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Patuloy na naghanap ng paraan ang mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan kung paano palihim na maipadadakip si Jesus at maipapatay. 2 Sinabi nila, “Huwag sa panahon ng pista at baka magkagulo ang mga tao.”
Read full chapter
Juan 11:45-53
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Balak na Pagpatay kay Jesus
45 Kaya’t maraming Judiong sumama kay Maria na nakakita ng ginawa ni Jesus ang sumampalataya sa kanya. 46 Ngunit ilan sa kanila ay nagpunta sa mga Fariseo at nagbalita ng ginawa ni Jesus. 47 Dahil dito, ang mga punong pari at mga Fariseo ay nagpatawag ng pulong. “Ano'ng gagawin natin?” tanong nila. “Maraming himalang ginagawa ang taong ito. 48 Kung pababayaan natin siyang ganito, lahat ay maniniwala sa kanya at darating ang mga Romano para wasakin ang ating templo at ating bansa.” 49 Si Caifas na kabilang sa kanila na siya ring punong pari nang panahong iyon ay nagsabi, “Wala talaga kayong alam! 50 Hindi ninyo naiintindihan na mas mabuti para sa inyo na hayaang mamatay ang isang tao para sa bayan, kaysa hayaang mawasak ang buong bansa.” 51 Hindi niya ito sinabi mula sa kanyang sarili; kundi, bilang isang punong pari nang panahong iyon, nagpropesiya siya na si Jesus ay malapit nang mamatay para sa bansa. 52 At hindi lamang para sa bansa, kundi upang tipunin niya at pag-isahin ang mga nagkawatak-watak na anak ng Diyos. 53 Kaya’t mula sa araw na iyon, nagbalak silang patayin si Jesus.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.