Mateo 21:1-11
Ang Biblia (1978)
21 At (A)nang malapit na sila sa Jerusalem, at magsidating sa Betfage, sa bundok ng mga Olivo, ay nagsugo nga si Jesus ng dalawang alagad,
2 Na sinasabi sa kanila, Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo, at pagdaka'y masusumpungan ninyo ang isang nakatali na babaing asno, na may kasamang isang batang asno: kalagin ninyo, at dalhin ninyo sa akin.
3 At kung ang sinoman ay magsabi ng anoman sa inyo, ay sasabihin ninyo, Kinakailangan sila ng Panginoon; at pagdaka'y kaniyang ipadadala sila.
4 (B)Nangyari nga ito, upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,
5 Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion:
(C)Narito, ang Hari mo'y pumaparito sa iyo,
Na maamo, at nakasakay sa isang asno,
At sa isang batang asno na anak ng babaing asno.
6 At nagsiparoon ang mga alagad, at ginawa ang ayon sa ipinagutos ni Jesus sa kanila,
7 At kanilang dinala ang babaing asno, at ang batang asno, at inilagay nila sa ibabaw ng mga ito ang kanilang mga damit; at dito siya'y sumakay.
8 At inilalatag sa daan ng kalakhang bahagi ng karamihan ang kanilang mga damit; at ang mga iba'y nagsiputol ng mga sanga ng mga punong kahoy, at inilalatag sa daan.
9 At ang mga karamihang nangasa unahan niya, at ang nagsisunod, ay nagsisigawan, na nagsisipagsabi, Hosana sa Anak ni David: (D)Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon: Hosana sa kataastaasan.
10 At nang pumasok si Jesus sa Jerusalem, ay nagkagulo ang (E)buong bayan, na nagsasabi, Sino kaya ito?
11 At sinabi ng mga karamihan, Ito'y (F)ang propeta, Jesus, na taga (G)Nazaret ng Galilea.
Read full chapter
Marcos 11:1-10
Ang Biblia (1978)
11 At (A)nang malapit na sila sa Jerusalem, sa Betfage at sa (B)Betania, sa bundok ng mga Olivo ay sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad,
2 At sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo: at pagkapasok ninyo roon, ay masusumpungan ninyo ang isang nakataling batang asno, (C)na hindi pa nasasakyan ng sinomang tao; inyong kalagin siya, at dalhin ninyo siya rito.
3 At kung may magsabi sa inyo, Bakit ninyo ginagawa ito? sabihin ninyo, Kinakailangan siya ng Panginoon; at pagdaka'y ipadadala niya siya rito.
4 At sila'y nagsiyaon, at kanilang nasumpungan ang batang asno na nakatali sa pintuan sa labas ng lansangan; at siya'y kanilang kinalag.
5 At ilan sa nangakatayo roon ay nangagsabi sa kanila, Ano ang ginagawa ninyo na inyong kinakalag ang batang asno?
6 At sinabi nila sa kanila ayon sa sinabi ni Jesus: at pinabayaan nilang sila'y magsialis.
7 At (D)dinala nila ang batang asno kay Jesus, at inilagay nila sa ibabaw ng batang asno ang kanilang mga damit; at ito'y sinakyan ni Jesus.
8 At marami ang nagsisipaglatag ng kanilang mga damit sa daan; at ang mga iba'y ng mga sanga, na kanilang pinutol sa mga parang.
9 At ang nangasa unahan, at ang nagsisisunod, ay nangagsisigawan, (E)Hosanna; Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon:
10 Mapalad ang kahariang pumaparito, ang kaharian ng ating amang si David: Hosanna sa kataastaasan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978