Font Size
Mateo 17:4-6
Ang Salita ng Diyos
Mateo 17:4-6
Ang Salita ng Diyos
4 Sinabi ni Pedro kay Jesus: Panginoon, mabuti para sa amin na kami ay naririto. Kung ibig mo, gagawa kami rito ng tatlong kubol. Isa ang para sa iyo, isa kay Moises at isa kay Elias.
5 Habang nagsasalita pa siya, narito, nililiman sila ng isang maningning na ulap. Narito, may isang tinig na buhat sa ulap na nagsasabi: Ito ang pinakamamahal kong Anak na labis kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya.
6 Nang marinig ito ng mga alagad, napasubsob sila sa lupa at sila ay lubhang natakot.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International