Add parallel Print Page Options

14 Natutupad(A) nga sa kanila ang propesiya ni Isaias, na nagsasabi:

‘Sa pakikinig kayo'y makakarinig, ngunit kailanma'y hindi makakaunawa,
    at sa pagtingin kayo'y titingin, ngunit kailanma'y hindi makakabatid.
15 Sapagkat naging manhid na ang puso ng bayang ito,
    at mahirap nang makarinig ang kanilang mga tainga,
    at ipinikit nila ang kanilang mga mata;
baka ang kanilang mga mata'y makakita,
    at makarinig ang kanilang mga tainga,
at makaunawa ang puso nila,
    at manumbalik sa akin, at sila'y aking pagalingin.’

16 Ngunit(B) mapapalad ang inyong mga mata, sapagkat ang mga ito'y nakakakita; at ang inyong mga tainga, sapagkat ang mga ito'y nakakarinig.

Read full chapter