Mateo 13:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig ngunit hindi naman nakakarinig ni nakakaunawa man. 14 Natutupad(A) nga sa kanila ang propesiya ni Isaias na nagsasabi,
‘Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makakaunawa kailanman,
at tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita kailanman.
15 Sapagkat naging mapurol na ang isip ng mga taong ito;
mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,
at ipinikit nila ang kanilang mga mata,
kung hindi gayon, sana'y nakakita ang kanilang mga mata,
nakarinig ang kanilang mga tainga,
nakaunawa ang kanilang mga isip,
at nagbalik-loob sila sa akin,
at pinagaling ko sila.’
Mateo 13:13-15
Ang Biblia, 2001
13 Dahil dito ay nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga, sapagkat sa kanilang pagtingin ay hindi sila nakakakita, at sa kanilang pakikinig ay hindi sila nakakarinig, at hindi sila nakakaunawa.
14 Natutupad(A) nga sa kanila ang propesiya ni Isaias, na nagsasabi:
‘Sa pakikinig kayo'y makakarinig, ngunit kailanma'y hindi makakaunawa,
at sa pagtingin kayo'y titingin, ngunit kailanma'y hindi makakabatid.
15 Sapagkat naging manhid na ang puso ng bayang ito,
at mahirap nang makarinig ang kanilang mga tainga,
at ipinikit nila ang kanilang mga mata;
baka ang kanilang mga mata'y makakita,
at makarinig ang kanilang mga tainga,
at makaunawa ang puso nila,
at manumbalik sa akin, at sila'y aking pagalingin.’
Mateo 13:13-15
Ang Dating Biblia (1905)
13 Kaya't sila'y pinagsasalitaan ko sa mga talinghaga; sapagka't nagsisitingin ay hindi sila nangakakakita, at nangakikinig ay hindi sila nangakakarinig, ni hindi sila nangakakaunawa.
14 At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi, Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa; At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas:
15 Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito, At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga, At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, At mangakarinig ng kanilang mga tainga, At mangakaunawa ng kanilang puso, At muling mangagbalik loob, At sila'y aking pagalingin.
Read full chapter
Mateo 13:13-15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
13 Ako'y nagsasalita sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga, sapagkat tumitingin sila subalit hindi nakakakita, nakikinig ngunit hindi naman nakaririnig, ni nakauunawa. 14 Sa kanila natutupad (A) ang propesiya ni Isaias, na nagsasabi:
‘Makinig man kayo nang makinig, kailanma'y hindi ninyo mauunawaan,
tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita.
15 Sapagkat ang puso ng mga taong ito ay manhid na,
at hindi na makarinig ang kanilang mga tainga,
at kanilang ipinikit ang mga mata nila;
baka ang mga mata nila'y makakita,
at makarinig ang kanilang mga tainga,
at makaunawa ang puso nila,
at manumbalik sa akin, at sila'y aking pagalingin.’
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
