Mateo 12:16-18
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
16 Pero pinagbilinan niya silang huwag ipaalam sa iba kung sino siya. 17 Katuparan ito ng sinabi ng Dios sa pamamagitan ni Propeta Isaias:
18 “Narito ang pinili kong lingkod.
Minamahal ko siya at kinalulugdan.
Ibibigay ko sa kanya ang aking Espiritu,
at ipapahayag niya ang katarungan sa mga bansa.
Mateo 12:16-18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
16 Ipinagbilin niya sa kanila na huwag nilang ipamamalita ang tungkol sa kanya. 17 Naganap ito bilang katuparan ng sinabi sa pamamagitan ni Propeta Isaias, na nagsasaad:
18 “Masdan ninyo ang hinirang kong lingkod,
ang aking iniibig, na sa kanya ang kaluluwa ko'y nalulugod.
Ilalagay ko ang aking Espiritu sa kanya,
at sa mga bansa ang katarungan ay ipahahayag niya.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
