Mateo 11:16-18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
16 “At sa ano ko naman ihahambing ang mga tao sa panahong ito? Ang katulad nila'y mga batang nakaupo sa mga palengke at tumatawag sa kanilang mga kalaro,
17 ‘Tumugtog kami ng plauta para sa inyo, ngunit hindi naman kayo sumayaw;
umawit kami ng himig pagluluksa, ngunit hindi naman kayo umiyak.’
18 Sapagkat naparito si Juan na hindi kumakain ni umiinom, ngunit sinasabi nila, ‘Sinasaniban siya ng demonyo.’
Read full chapter
Mateo 11:16-18
Ang Dating Biblia (1905)
16 Datapuwa't sa ano ko itutulad ang lahing ito? Tulad sa mga batang nangakaupo sa mga pamilihan, na sinisigawan ang kanilang mga kasama.
17 At sinasabi, Tinutugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisisayaw; nagsipanambitan kami, at hindi kayo nangahapis.
18 Sapagka't naparito si Juan na hindi kumakain o umiinom man, at sinasabi nila, Siya'y mayroong demonio.
Read full chapter
Mateo 11:16-18
Ang Salita ng Diyos
16 Ngunit saan ko itutulad ang lahing ito? Ito ay katulad ng mga batang nakaupo sa mga pamilihang dako at tinatawag ang kanilang mga kasama. 17 Sinasabi nila:
Tinugtugan namin kayo ng plawta, ngunit hindi kayo sumayaw. Nagluksa kami ngunit hindi kayo tumangis.
18 Ito ay sapagkat dumating si Juan. Hindi siya kumakain ni umiinom, at sinabi nilang siya ay may demonyo.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 1998 by Bibles International
