Mateo 10:39-41
Ang Salita ng Diyos
39 Ang sinumang makakasumpong ng kaniyang buhay ay mawawalan nito. Ang sinumang mawawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpung nito.
40 Siya na tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at siya na tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. 41 Siya na tumatanggap sa isang propeta dahil sa pangalan ng isang propeta ay tatanggap ng gantimpalang ukol sa propeta. Siya na tumatanggap sa isang taong matuwid ay tatanggap ng gantimpalang ukol sa taong matuwid.
Read full chapter
Mateo 10:39-41
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
39 Ang nagsisikap para sa kanyang buhay ay mawawalan nito, at ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay makatatagpo nito.
Mga Gantimpala(A)
40 “Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. 41 Ang tumatanggap sa isang propeta sa pangalan ng propeta ay tatanggap ng gantimpala ng propeta. At ang tumatanggap sa isang taong matuwid sa pangalan ng taong matuwid ay tatanggap ng gantimpala ng taong matuwid.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
