Font Size
Mateo 1:19-21
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Mateo 1:19-21
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
19 Si Jose na magiging asawa niya ay isang matuwid na tao at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, kaya ipinasya niyang hiwalayan na lang si Maria nang palihim. 20 Habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon at nagsabi, “Jose, na mula sa angkan ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang pagbubuntis niyaʼy sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. 21 Manganganak siya ng isang lalaki at papangalanan mo siyang Jesus,[a] dahil ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”
Read full chapterFootnotes
- 1:21 Jesus: Ang ibig sabihin ng pangalang Jesus sa wikang Hebreo ay “Nagliligtas ang Panginoon.”
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®