Add parallel Print Page Options

16 At naging anak ni Jacob si Jose asawa ni Maria, na siyang nanganak kay Jesus, na siyang tinatawag na Cristo.

17 Sa makatuwid ang lahat ng mga salit-saling lahi buhat kay Abraham hanggang kay David ay labingapat na salit-saling lahi; at buhat kay David hanggang sa pagdalang-bihag sa Babilonia ay labingapat na sali't-saling lahi; at buhat sa pagkadalang-bihag sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labingapat na sali't-saling lahi.

18 Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Read full chapter

16 Si Jacob ang ama ni Jose, na asawa ni Maria, na siyang nagsilang kay Jesus, na tinatawag na Cristo. 17 Kaya't may labing-apat na salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David, labing-apat na salinlahi mula kay David hanggang sa pagkadalang-bihag sa Babilonia, at labing-apat ding salinlahi mula sa pagkadalang-bihag sa Babilonia hanggang kay Cristo.

Isinilang ang Cristo(A)

18 Ganito ang pangyayari sa pagsilang ni Jesu-Cristo. Nang si Maria na kanyang ina ay ipinagkasundong ikasal kay Jose, bago sila nagsama, si Maria ay natagpuang nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Read full chapter