Marcos 8:14-16
Ang Biblia, 2001
Ang Lebadura ng mga Fariseo at ni Herodes(A)
14 Noon ay nakalimutan ng mga alagad[a] na magdala ng tinapay maliban sa iisang tinapay na nasa bangka.
15 Kanyang(B) binalaan sila na sinabi, “Mag-ingat kayo, iwasan ninyo ang lebadura ng mga Fariseo at ang lebadura ni Herodes.”
16 At sinabi nila sa isa't isa, “Ito ay sapagkat wala tayong tinapay.”
Read full chapterFootnotes
- Marcos 8:14 Sa Griyego ay nila .
Marcos 8:14-16
Ang Biblia (1978)
14 At nangalimutan nilang magsipagdala ng tinapay; at wala sila kundi isang tinapay sa daong.
15 At ipinagbilin niya sa kanila, na nagsabi, Tingnan ninyo, mangag-ingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo at sa lebadura ni (A)Herodes.
16 At nangagkatuwiranan sila-sila rin, na nangagsasabi, Wala tayong tinapay.
Read full chapter
Marcos 8:14-16
Ang Dating Biblia (1905)
14 At nangalimutan nilang magsipagdala ng tinapay; at wala sila kundi isang tinapay sa daong.
15 At ipinagbilin niya sa kanila, na nagsabi, Tingnan ninyo, mangagingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo at sa lebadura ni Herodes.
16 At nangagkatuwiranan sila-sila rin, na nangagsasabi, Wala tayong tinapay.
Read full chapter
Marcos 8:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pampaalsang Gamit ng mga Fariseo at ni Herodes(A)
14 Nakalimutan ng mga alagad[a] na magdala ng tinapay, maliban sa isang tinapay na dala nila sa bangka. 15 Binalaan (B) sila ni Jesus, “Mag-ingat kayo at iwasan ninyo ang pampaalsang gamit ng mga Fariseo at ni Herodes.” 16 Nag-usap-usap ang mga alagad, “Wala kasi tayong dalang tinapay.”
Read full chapterFootnotes
- Marcos 8:14 Sa Griyego, nila.
Marcos 8:14-16
Ang Salita ng Diyos
Mag-ingat sa Pampaalsa ng mga Fariseo at ni Herodes
14 Nalimutan ng mga alagad na magdala ng tinapay maliban sa iisang tinapay na dala nila sa bangka.
15 Sila ay pinagbilinan ni Jesus na sinasabi: Narito, mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Fariseo at sa pampaalsa ni Herodes.
16 Sila ay nangatwiranan sa isa’t isa na nagsasabi: Ito ay sapagkat wala tayong tinapay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 1998 by Bibles International
