Add parallel Print Page Options

Nakita nila ang ilan sa mga alagad niya na kumakain nang marumi ang mga kamay dahil hindi nahugasan ayon sa kaugalian ng mga Judio.

(Sapagkat ang mga Judio, lalo na ang mga Pariseo, ay hindi kumakain hangga't hindi muna sila nakapaghuhugas ng kamay ayon sa kaugaliang minana nila mula sa kanilang mga ninuno. Hindi rin sila kumakain ng anumang galing sa palengke nang hindi muna ito hinuhugasan.[a] Marami pa silang sinusunod na katuruang minana, tulad ng paghuhugas ng mga tasa, pitsel, sisidlang tanso, [at mga higaan].[b])

Read full chapter

Footnotes

  1. 4 Hindi…muna ito hinuhugasan: o kaya'y Hindi rin sila kumakain ng anuman pagkagaling nila sa palengke hangga't hindi muna sila nakakapaglinis ng kanilang mga sarili .
  2. 4 at mga higaan: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.

nakita nila ang ilan sa kanyang alagad na kumakaing marumi ang kamay, samakatuwid, ay hindi nahugasan ayon sa kaugalian. Ang mga Fariseo at lahat ng mga Judio ay hindi kumakain nang hindi muna naghuhugas na mabuti ng mga kamay. Ginagawa nila ito bilang pagsunod sa turong minana nila sa kanilang mga ninuno. Kapag nanggaling sila sa mga pamilihan, hindi sila kakain nang hindi muna naglilinis. Marami pa silang sinusunod na minanang turo gaya ng mga paghuhugas ng mga tasa, mga pitsel, at mga lalagyang tanso.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 7:4 Sa ibang mga matatandang manuskrito may dagdag na mga higaan.

At kanilang nangakita ang ilan sa kaniyang mga alagad na nagsisikain ng kanilang tinapay (A)ng mga kamay na marurumi, sa makatuwid baga'y mga kamay na hindi (B)hinugasan.

(Sapagka't ang mga Fariseo, at ang lahat ng mga Judio, ay hindi nagsisikain, kundi muna mangaghugas na maingat ng mga kamay, na pinanghahawakan ang mga sali't-saling sabi ng matatanda;

At kung nagsisipanggaling sila sa pamilihan, kung hindi muna mangaghugas, ay hindi sila nagsisikain; at may iba pang maraming bagay na kanilang minana, upang ganapin; gaya ng mga paghuhugas ng mga inuman, at ng mga saro, at ng mga inumang tanso.)

Read full chapter