Marcos 2:1-3
Ang Biblia (1978)
2 At nang siya'y pumasok uli sa (A)Capernaum pagkaraan ng ilang araw, ay nahayag na siya'y nasa bahay.
2 At maraming nagkatipon, ano pa't hindi na magkasiya, kahit sa pintuan man: at sa kanila'y sinaysay niya ang salita.
3 At (B)sila'y nagsidating, na may dalang isang lalaking lumpo sa kaniya, na usong ng apat.
Read full chapter
Marcos 2:1-3
Ang Biblia, 2001
Pinagaling ni Jesus ang Lalaking Lumpo(A)
2 Nang siya'y magbalik sa Capernaum pagkaraan ng ilang araw, kumalat ang balita na siya'y nasa bahay.
2 Maraming nagtipon, kaya't wala nang lugar kahit sa may pintuan. At kanyang ipinangaral sa kanila ang salita.
3 May mga taong[a] dumating na may dala sa kanya na isang lalaking lumpo na buhat ng apat.
Read full chapterFootnotes
- Marcos 2:3 Sa Griyego ay Sila ay .
Marcos 2:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagpapagaling sa Paralitiko(A)
2 Nang magbalik si Jesus sa Capernaum pagkaraan ng ilang araw, kumalat ang balitang siya'y nasa kanilang bahay. 2 Nagtipon doon ang maraming tao, kaya't wala nang lugar kahit sa may pintuan. Ipinangangaral niya sa kanila ang salita. 3 Dumating ang apat na lalaking may buhat na lalaking paralitiko.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
