Marcos 16:4-6
Ang Biblia (1978)
4 At pagkatingin, ay nakita nilang naigulong na (A)ang bato: sapagka't yao'y totoong malaki.
5 At pagkapasok sa libingan, ay (B)kanilang nakita ang isang binata na nakaupo sa dakong kanan, na nararamtan ng isang damit na maputi; at sila'y nangagitla.
6 At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagitla: hinahanap ninyo si Jesus, ang Nazareno, na ipinako sa krus: siya'y nagbangon; wala siya rito: tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kaniya!
Read full chapter
Marcos 16:4-6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Ngunit natanaw nilang naigulong na ang napakalaking batong pantakip. 5 Pagpasok nila sa libingan, nakita nila ang isang binatang nakasuot ng mahaba at maputing damit. Nakaupo ito sa gawing kanan. At natakot sila. 6 Ngunit sinabi ng binata sa kanila, “Huwag kayong matakot. Hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazareth, ang ipinako sa krus; wala na siya rito; Siya'y binuhay na muli! Tingnan ninyo ang lugar na pinaglagyan sa kanya!
Read full chapter
Mark 16:4-6
New International Version
4 But when they looked up, they saw that the stone, which was very large, had been rolled away. 5 As they entered the tomb, they saw a young man dressed in a white robe(A) sitting on the right side, and they were alarmed.
6 “Don’t be alarmed,” he said. “You are looking for Jesus the Nazarene,(B) who was crucified. He has risen! He is not here. See the place where they laid him.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

