Marcos 15:35-37
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
35 Narinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon at kanilang sinabi, “Pakinggan ninyo, tinatawag niya si Elias!” 36 May(A) tumakbo upang kumuha ng isang espongha; ito'y isinawsaw sa maasim na alak, inilagay sa dulo ng isang patpat at ipinasipsip kay Jesus. “Tingnan nga natin kung darating si Elias upang iligtas siya,” sabi niya.
37 Sumigaw nang malakas si Jesus at pagkatapos ay nalagutan ng hininga.
Read full chapter
Marcos 15:35-37
Ang Dating Biblia (1905)
35 At nang marinig ng ilang nangaroon, ay sinabi nila, Narito, tinatawag niya si Elias.
36 At tumakbo ang isa, at binasa ng suka ang isang espongha, saka inilagay sa isang tambo, at ipinainom sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y ibaba.
37 At si Jesus ay sumigaw ng malakas na tinig, at nalagot ang hininga.
Read full chapter
Marcos 15:35-37
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
35 Narinig ito ng ilang nakatayo roon at kanilang sinabi, “Pakinggan ninyo, tinatawag niya si Elias.” 36 Tumakbo (A) ang isang naroon at kumuha ng espongha. Binasa niya ito ng maasim na alak, inilagay sa dulo ng isang patpat at inialok kay Jesus. Sabi niya, “Tingnan nga natin kung darating si Elias upang iligtas siya.” 37 Sumigaw nang malakas si Jesus at nalagutan ng hininga.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
