Add parallel Print Page Options

Nilibak ng mga Kawal si Jesus

16 Dinala siya ng mga kawal sa loob ng patyo na tinatawag na hukuman. Tinawag nila ang buong batalyon ng mga kawal na naroroon upang magtipon.

17 Sinuotan nila siya ng kulay ubeng damit. Nagsalapid din sila ng koronang tinik at inilagay nila ito sa kaniya. 18 Nagsimula silang bumati sa kaniya na sinasabi: Binabati, Hari ng mga Judio. 19 Hinampas nila siya sa ulo sa pamamagitan ng tambo at dinuraan siya. Lumuhod sila at sinamba siya. 20 Matapos nila siyang kutyain, hinubad nila ang kulay ubeng damit at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit. Kanilang inaakay siya papalabas upang ipako sa krus.

Ipinako Nila si Jesus sa Krus

21 May isang dumadaan na pinilit nilang magbuhat ngkrus ni Jesus. Ito ay si Simon na taga-Cerene na dumating galing sa kaniyang bukid. Siya ang ama ni Alejandro at ni Rufo.

22 Dinala nila si Jesus sa dako ng Golgota na ang kahulugan ay dako ng bungo. 23 Binigyan nila siya ng alak na may halong mira upang kaniyang inumin ngunit hindiniya ito tinanggap. 24 Matapos siyang ipako sa krus, pinaghati-hatian nila ang kaniyang mga damit. Nagpalabunutan sila upang malaman nila kung kanino at ano ang madadala ng bawat isa.

25 Ika-tatlo na ang oras nang siya ay ipako nila sa krus. 26 Mayroong paratang na nakasulat, na nakaukit sa kaniyang ulunan: ANG HARI NG MGA JUDIO. 27 Ipinako rin nila sa krus kasama ni Cristo ang dalawang tulisan, ang isa ay nasa kanan at ang isa ay nasa kaliwa. 28 Ito ang kaganapan ng mga kasulatan na nagsasabi: Siya ay ibinilang sa mga walang kinikilalang kautusan ng Diyos. 29 Nilait siya ng mga dumaraan. Umiiling sila na nagsasabi: Aba! Gigibain mo ang banal na dako at sa ikatlong araw ay itatayo ito. 30 Iligtas mo ang iyong sarili at bumaba ka sa krus.

31 Sa ganoon ding paraan ay kinukutya siya ng mga pinunong-saserdote kasama ang mga guro ng kautusan. Sinabi nila: Iniligtas niya ang iba ngunit hindi naman niya mailigtas ang kaniyang sarili. 32 Bumaba mula sa krus ang Mesiyas, ang Hari ng Israel upang makita natin at tayo ay maniwala. Yaong mga kasama niyang ipinako ay inalipusta din siya.

Read full chapter