Marcos 14:64-66
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
64 Narinig(A) ninyo ang kanyang paglapastangan sa Diyos! Ano ang inyong pasya?”
At nagkaisa silang lahat na hatulan siya ng kamatayan.
65 At siya'y sinimulan nilang pahirapan; dinuraan siya ng ilan, piniringan at pinagsusuntok. “Hulaan mo nga, sino ang sumuntok sa iyo?” sabi nila. At siya'y binugbog ng mga bantay.
Ang Pagkakaila ni Pedro kay Jesus(B)
66 Samantala, si Pedro naman ay nasa patyo sa ibaba nang lumapit ang isang babaing katulong ng pinakapunong pari.
Read full chapter
Marcos 14:64-66
Ang Biblia (1978)
64 Narinig ninyo ang kapusungan: ano sa akala ninyo? At hinatulan nilang lahat na siya'y dapat mamatay.
65 At pinasimulang luraan siya ng ilan, at (A)tinakpan ang kaniyang mukha, at siya'y pinagsusuntok, at sa kaniya'y kanilang sinasabi, Hulaan mo: at siya'y pinagsusuntok ng mga punong kawal.
66 At samantalang nasa ibaba si Pedro, (B)sa looban, ay lumapit (C)ang isa sa mga alilang babae ng dakilang saserdote;
Read full chapter
Marcos 14:64-66
Ang Biblia, 2001
64 Narinig(A) ninyo ang kanyang paglapastangan! Ano ang inyong pasiya?” At hinatulan nilang lahat na siya'y dapat mamatay.
65 Nagsimula ang ilan na duraan siya, tinakpan ang kanyang mukha, at siya'y pinagsusuntok, na sinasabi nila sa kanya, “Hulaan mo!” Kinuha siya ng mga bantay at siya'y pinagsasampal.
Itinatwa ni Pedro si Jesus(B)
66 Samantalang nasa ibaba si Pedro, sa patyo, lumapit ang isa sa mga alilang babae ng pinakapunong pari.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
