Marcos 14:3-5
Magandang Balita Biblia
Binuhusan ng Pabango si Jesus(A)
3 Nasa(B) Bethania noon si Jesus, sa bahay ni Simon na may ketong.[a] Habang siya'y kumakain, dumating ang isang babaing may dalang isang sisidlang alabastro na puno ng napakamahal na pabango mula sa katas ng purong nardo. Binasag niya ang sisidlan at ibinuhos ang pabango sa ulo ni Jesus. 4 Nagalit ang ilang naroroon at sila'y nag-usap-usap, “Bakit niya inaksaya ang pabango? 5 Maaaring ipagbili iyon nang mahigit sa tatlong daang salaping pilak at maibigay sa mga dukha ang pinagbilhan!” At pinagalitan nila ang babae.
Read full chapterFootnotes
- Marcos 14:3 KETONG: Ito'y tumutukoy sa iba't ibang uri ng sakit sa balat.
Marcos 14:3-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Binuhusan ng Pabango si Jesus(A)
3 Samantalang (B) nasa Betania si Jesus, sa bahay ni Simon na ketongin, habang nakaupo siya sa may hapag-kainan ay dumating ang isang babaing may dalang sisidlang alabastro na puno ng pabango. Mamahalin ang pabangong ito na mula sa katas ng purong nardo. Binasag ng babae ang sisidlan at ibinuhos ang pabango sa ulo ni Jesus. 4 Ngunit may ilan doong galit na nagsabi sa isa't isa, “Bakit sinayang nang ganyan ang pabango? 5 Maaari sanang ipagbili ang pabangong iyan ng higit sa tatlong daang denaryo[a] at ipamigay sa mga dukha ang pinagbilhan!” At kanilang pinagalitan ang babae.
Read full chapterFootnotes
- Marcos 14:5 “denaryo” ay katumbas ng halos isang taong sahod ng karaniwang manggagawa.
Mark 14:3-5
New International Version
3 While he was in Bethany,(A) reclining at the table in the home of Simon the Leper, a woman came with an alabaster jar of very expensive perfume, made of pure nard. She broke the jar and poured the perfume on his head.(B)
4 Some of those present were saying indignantly to one another, “Why this waste of perfume? 5 It could have been sold for more than a year’s wages[a] and the money given to the poor.” And they rebuked her harshly.
Footnotes
- Mark 14:5 Greek than three hundred denarii
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.