Add parallel Print Page Options

Ang Hapunan ng Panginoon(A)

22 Habang kumakain sila, kumuha si Jesus ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagputul-putol niya ang tinapay, ibinigay sa mga alagad at sinabi, “Tanggapin ninyo; ito ang aking katawan.” 23 Dumampot din siya ng kopa at matapos magpasalamat sa Diyos, iniabot ito sa mga alagad at mula roon ay uminom silang lahat. 24 Sinabi (B) niya sa kanila, “Ito ang aking dugo ng tipan,[a] na ibinubuhos para sa marami. 25 Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, hindi na ako iinom ng alak mula sa katas ng ubas hanggang sa araw na iyon na uminom ako nang panibago sa kaharian ng Diyos.” 26 Pagkaawit ng isang himno, lumabas sila at nagpunta sa Bundok ng mga Olibo.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 14:24 Sa ibang mga manuskrito bagong tipan.

Ang Hapunan ng Panginoon(A)

14 Nang sumapit na ang oras, dumulog si Jesus sa hapag na kasama ang mga apostol. 15 Sinabi niya sa kanila, “Matagal ko nang inaasam na makasalo kayo sa hapunang ito ng Paskuwa bago ako magdusa. 16 Sapagkat sinasabi ko sa inyong hinding-hindi na ako kakain nito hanggang maganap ito sa paghahari ng Diyos.” 17 At kumuha siya ng isang kopa, at matapos magpasalamat ay kanyang sinabi, “Kunin ninyo ito at pagsalu-saluhan. 18 Sapagkat sinasabi ko sa inyo na mula ngayon, hinding-hindi na ako iinom ng katas ng ubas hanggang sa dumating ang paghahari ng Diyos.” 19 Dumampot siya ng tinapay, at matapos magpasalamat ay pinagputul-putol ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na ibinibigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 20 Matapos kumain, ganoon din ang ginawa niya sa kopa, sinabi niya, “Ang kopang ito ang bagong tipan sa aking dugo na nabubuhos para sa inyo.

Read full chapter

Pagganap ng Hapunan ng Panginoon(A)

23 Sapagkat ang tinanggap ko mula sa Panginoon ang siyang itinatagubilin ko sa inyo: na ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay kumuha ng tinapay; 24 at pagkatapos magpasalamat, pinagputul-putol niya ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 25 Sa (B) gayunding paraan ay kinuha niya ang kopa, pagkatapos maghapunan, at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong tipan sa aking dugo. Gawin ninyo ito, tuwing kayo'y iinom nito, bilang pag-alaala sa akin.”

Read full chapter