Font Size
Marcos 14:10-12
Ang Salita ng Diyos
Marcos 14:10-12
Ang Salita ng Diyos
10 Si Judas na taga-Keriot, isa sa labindalawang alagad ay pumunta sa mga pinunong-saserdote upang ipagkanulo si Jesus. 11 Pagkarinig nila, sila ay natuwa at nangakong bigyan siya ng salapi. Naghanap siya ng tamang panahon kung papaano ipagkakanulo si Jesus sa kanila.
Ang Huling Hapunan
12 Sa unang araw ng pista ng tinapay na walang pampaalsa, kaugalian nilang magkatay ng batang tupa ng Paglagpas. Sinabi ng mga alagad ni Jesus sa kaniya: Saan mo nais na kami ay pumunta upang maihanda namin ang hapunang Paglagpas upang ikaw ay makakain?
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International