Font Size
Marcos 12:36-38
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Marcos 12:36-38
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
36 Samantalang si David na mismo na pinatnubayan ng Banal na Espiritu ang nagsabing,
‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
Maupo ka sa kanan ko
hanggang sa mapasuko ko sa iyo ang iyong mga kaaway!’[a]
37 Ngayon, kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano siyang naging lahi lang ni David?” Wiling-wili sa pakikinig ang mga tao kay Jesus.
Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan(A)
38 Sinabi pa ni Jesus sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang mamasyal na nakasuot ng espesyal na damit.[b] At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar.[c]
Read full chapter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®