Marcos 1:38-40
Magandang Balita Biblia
38 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kailangang pumunta rin tayo sa mga karatig-bayan upang makapangaral ako roon. Ito ang dahilan ng pagparito ko.”[a]
39 Nilibot(A) nga ni Jesus ang buong Galilea. Nangaral siya sa kanilang mga sinagoga at nagpalayas ng mga demonyo.
Pinagaling ni Jesus ang Isang Ketongin(B)
40 Isang taong may ketong[b] ang lumapit kay Jesus. [Lumuhod ito][c] at nagmakaawa, “Kung nais po ninyo, ako'y inyong mapapagaling at magagawang malinis.”
Read full chapterFootnotes
- Marcos 1:38 Ito ang dahilan ng pagparito ko: o kaya'y Ito ang dahilan ng aking pag-alis sa Capernaum .
- Marcos 1:40 KETONG: Ang salitang ito ay tumutukoy sa maraming uri ng sakit sa balat.
- Marcos 1:40 Lumuhod ito: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
Marcos 1:38-40
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
38 Sumagot si Jesus, “Pumunta tayo sa mga kalapit-bayan upang makapangaral din ako roon. Ito ang dahilan ng aking pagparito.” 39 Kaya (A) nilakbay ni Jesus ang buong Galilea, na nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo.
Pinagaling ang Isang Ketongin(B)
40 May isang ketonging lumapit kay Jesus, lumuhod at nagmakaawa, “Kung nais po ninyo'y magagawa ninyong linisin ako.”
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
