Add parallel Print Page Options

Walang Kabuluhan ang Kayamanan

Narito ang isang kawalan ng katarungan na nagaganap sa mundo: Isang tao na binigyan ng Diyos ng malaking kayamanan, maraming ari-arian, at karangalan. Sa kasawiang-palad, hindi niloob ng Diyos na tamasahin niya ang kasiyahang dulot ng mga bagay na ito; bagkus ay iba ang nakinabang. Ito man ay walang kabuluhan[a] at nagdudulot lamang ng sama ng loob. Mabuti pang di hamak ang sanggol na ipinanganak na patay kaysa isang taong nagkaanak ng 100 at nabuhay nang matagal ngunit hindi naranasan ang maging masaya at hindi pinarangalan nang siya ay ilibing. Wala ring kabuluhang[b] matatamo ang isang sanggol kahit siya ipanganak sapagkat mamamatay din siya at malilimutan. Hindi nito nakita ang araw ni natikman ang mabuhay, ngunit mayroon naman siyang ganap na kapayapaan. Kaya mabuti pa siya nang hindi hamak kaysa isang taong nabuhay nang 2,000 taon ngunit di nakaranas ng kasiyahan. Hindi ba't iisa lang ang uuwian ng lahat?

Nagpapakapagod ang tao para sa kanyang tiyan ngunit kailanma'y di siya nagkaroon ng kasiyahan. Ano ang kahigtan ng matalino sa mangmang? Ano ang mapapala ng isang mahirap kahit malaman niya ang pasikut-sikot ng buhay? Mabuti pa ay masiyahan sa anumang kalagayan kaysa mangarap nang di naman makakamtan. Ito man ay walang kabuluhan,[c] tulad ng paghahabol sa hangin.

10 Lahat ng nangyayari sa daigdig ay alam na noong una pa, at ang tao'y di makapananaig laban sa kapangyarihang higit sa kanya. 11 Habang humahaba ang pagtatalo, lalo lang nawawalan ng kabuluhan; kaya paano masasabing nakahihigit ang isang tao sa kapwa? 12 Sino ang nakaaalam kung ano ang mabuti sa taong nabubuhay sa maikling panahon at pagkatapos ay mawawalang tulad ng anino? Sino ang makakapagsabi kung ano ang mangyayari pagkamatay niya?

Footnotes

  1. Mangangaral 6:2 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .
  2. Mangangaral 6:4 Wala ring kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .
  3. Mangangaral 6:9 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .

我看见日光之下有一件可悲的事,重重地压在人身上: 上帝赐给人财富和尊荣,叫他拥有所渴望的一切,却使他无法享用,倒让别人享用。这是虚空,是极大的悲哀。 人若有一百个儿子,并且长寿,但心中却从未得到满足,死后又不得安葬。唉!这样的人还不如流产的胎儿。 这胎儿在虚空中来,在黑暗中去,名字隐没在黑暗中, 没有见过天日,一无所知,然而这胎儿比那人更享安息。 就算那人活了千年,又活千年,却不能享受福乐,又如何呢?世人最终岂不都同归一处吗? 人人为口腹劳碌,却永不满足。 那么,智者比愚人有什么优势呢?贫穷人即使懂得如何处世,又有什么益处呢? 满足于眼前所有的,胜过心中贪想的。这也是虚空,如同捕风。 10 一切存在的事物都已有了名字,人的本质也被识透了;人无法与比他更强的较量。 11 其实话越多,越虚空,这对人又有什么益处? 12 人生短暂虚空,如影飞逝,有谁知道什么对人有益?谁能告诉人死后日光之下会发生什么事?