Add parallel Print Page Options

19 At sino ang nakakatiyak kung siya'y marunong o mangmang? Gayunman, siya pa rin ang magmamana sa lahat ng mga pinagpaguran ko at ginamitan ng karunungan sa mundong ito. Ito ma'y walang kabuluhan.[a] 20 Kaya nga, nanghihinayang ako pagkat ako ay nagpakapagod nang husto sa mundong ito. 21 Lahat ng pinagpaguran ng tao'y pinamuhunan niya ng karunungan, kaalaman at kakayahan ngunit pagdating ng araw ay iba ang magpapakasaya sa mga pinagpaguran niya. Ito ay walang kabuluhan,[b] at ito'y hindi tama.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mangangaral 2:19 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .
  2. Mangangaral 2:21 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .