Font Size
Mangangaral 12:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mangangaral 12:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Darating ang araw na malalagot ang tanikalang pilak na nagdadala sa ilawang ginto; babagsak ito at madudurog. Darating din ang araw na malalagot ang tali ng timba at ito'y babagsak at masisira. 7 Alalahanin mo siya bago manumbalik sa alabok ang ating katawang lupa at ang ating hininga ay magbalik sa Diyos na may bigay nito. 8 “Napakawalang kabuluhan![a] Lahat ay napakawalang kabuluhan,” sabi ng Mangangaral.
Read full chapterFootnotes
- 8 Napakawalang kabuluhan: o kaya'y Napakalaking palaisipan .