Add parallel Print Page Options

Alalahanin mo nga siya bago dumating ang panahon na sarado na ang mga pintuan at tumigil na ang tunog ng gilingan; bago dumating ang panahon na madali kang magising sa himig ng mga ibon, o ang tunog ng awitin ay tuluyan ng tumigil.[a] Alalahanin mo siya bago dumating ang panahong katatakutan mong umakyat sa mataas na lugar, bago dumating ang panahong di ka na makalakad na mag-isa, bago pumuti ang iyong buhok, at lipasan ng pagnanasang sumiping sa minamahal.

Darating ang araw na tayo'y pupunta sa huli nating hantungan at marami ang tatangis sa lansangan. Darating ang araw na malalagot ang tanikalang pilak na nagdadala sa ilawang ginto; babagsak ito at madudurog. Darating din ang araw na malalagot ang tali ng timba at ito'y babagsak at masisira.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mangangaral 12:4 Ang tekstong Hebreo ay maaaring tumutukoy sa panahon ng kamatayan at paglilibing, o kaya'y sa panahon na ang tao'y hindi na masyadong makarinig.