Malakias 4
Ang Biblia (1978)
Panghuling payo.
4 Sapagka't, narito, ang araw ay (A)dumarating, (B)na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang (C)dayami, at (D)ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na anopa't hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man.
2 Nguni't sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat (E)ang araw ng katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak; at kayo'y magsisilabas, at magsisiluksong parang guya mula sa silungan.
3 At inyong yayapakan ang masasama; sapagka't sila'y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
4 Alalahanin ninyo (F)ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya (G)sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga'y ang mga palatuntunan at mga kahatulan.
5 (H)Narito, aking susuguin sa inyo si (I)Elias na propeta (J)bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
6 At kaniyang (K)papagbabalikingloob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako'y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa.
Malakias 4
Ang Dating Biblia (1905)
4 Sapagka't, narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na anopa't hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man.
2 Nguni't sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak; at kayo'y magsisilabas, at magsisiluksong parang guya mula sa silungan.
3 At inyong yayapakan ang masasama; sapagka't sila'y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
4 Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga'y ang mga palatuntunan at mga kahatulan.
5 Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
6 At kaniyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako'y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa.
Malakias 4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Araw ng Pagpaparusa ng Panginoon
4 Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, “Tiyak na darating ang araw ng aking pagpaparusa. Magiging tulad ito ng nagliliyab na pugon. Parurusahan kong gaya ng pagsunog sa dayami ang lahat ng mayayabang at ang gumagawa ng masama. Magiging tulad sila ng sinunog na kahoy na walang natirang sanga o ugat. 2 Pero kayong may paggalang sa akin ay ililigtas ko gaya ng pagsikat ng araw[a] na ang sinag nito ay nagbibigay ng kabutihan. At lulundag kayo sa tuwa, na parang mga guyang pinakawalan sa kulungan. 3 Pagdating ng araw na isakatuparan ko na ang mga bagay na ito, lilipulin ninyo ang masasama na parang alikabok na tinatapakan.
4 “Sundin ninyo[b] ang Kautusang ibinigay ng aking lingkod na si Moises. Ang mga utos at mga tuntuning iyan ay ibinigay ko sa kanya doon sa Bundok ng Sinai[c] upang sundin ng lahat ng mamamayan ng Israel.
5 “Makinig kayo! Bago dumating ang nakakapangilabot na araw ng aking pagpaparusa, isusugo ko sa inyo si Propeta Elias. 6 Ibabalik niya ang magandang relasyon ng mga magulang at mga anak, upang pagdating ko ay hindi ko na isusumpa ang inyong bayan.”
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
