Lucas 7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pinagaling ni Jesus ang Alipin ng Isang Kapitan(A)
7 Nang matapos ni Jesus ang lahat ng kanyang sasabihin sa mga taong nakikinig ay pumasok siya sa Capernaum. 2 Doon ay may isang kapitan ng mga kawal na may aliping maysakit at nasa bingit na ng kamatayan. Ito ay napamahal na sa kanya. 3 Kaya nang marinig ang tungkol kay Jesus, isinugo niya ang ilan sa mga pinuno ng mga Judio upang makiusap kay Jesus na dalawin siya at pagalingin ang kanyang alipin. 4 Sa kanilang pagharap kay Jesus ay pinakiusapan nila ito nang mabuti. Sinabi nila, “Siya ay karapat-dapat na paunlakan ninyo, 5 sapagkat mahal niya ang ating bansa. Ipinagpatayo pa niya tayo ng sinagoga.” 6 Kaya naman sumama sa kanila si Jesus; ngunit hindi kalayuan mula sa bahay ay ipinasalubong na siya ng kapitan sa kanyang mga kaibigan upang sabihin sa kanya, “Panginoon, huwag na po kayong mag-abala pa sapagkat hindi ako karapat-dapat na inyong sadyain sa loob ng aking bahay. 7 At hindi ko rin itinuring na karapat-dapat ang aking sarili na humarap sa inyo. Ngunit ipag-utos po lamang ninyo at gagaling na ang aking alipin. 8 Ako man ay taong nasa ilalim ng kapangyarihan at may mga kawal na nasasakupan. Sabihin ko lang sa isa, ‘Humayo ka!’ at siya ay hahayo. Sa isa naman, ‘Halika!’ at siya ay lalapit. Gayon din sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ at gagawin nga niya.” 9 Namangha si Jesus pagkarinig dito at pagbaling niya sa mga taong sumusunod sa kanya ay nagsabi, “Sinasabi ko sa inyo, hindi ako nakakita ng ganitong pananampalataya sa Israel!” 10 At pagbalik nila sa bahay ng nagsugo sa kanila ay nakita nilang magaling na ang alipin.
Binuhay ni Jesus ang Anak ng Balo
11 Kinabukasan, pumunta si Jesus sa isang bayang kung tawagin ay Nain at sumama sa kanya ang kanyang mga alagad at ang napakaraming tao. 12 Nang malapit na sila sa bungad ng bayan ay naroon at ililibing ang namatay na kaisa-isang anak na lalaki ng kanyang inang balo. Napakaraming taong nakipaglibing sa kanya mula sa bayan. 13 Nahabag ang Panginoon nang makita ang balo at sinabi sa kanya, “Huwag kang umiyak!” 14 At paglapit ay hinipo niya ang kinalalagyan ng patay at tumigil naman ang mga nagbubuhat. Sinabi niya, “Binata, inuutusan kita. Bumangon ka!” 15 Umupo naman ang namatay at nagsimulang magsalita. Ibinigay ito ni Jesus sa kanyang ina. 16 Nabalot ng takot ang lahat at niluwalhati nila ang Diyos sa pagsasabing, “Dumating sa atin ang isang dakilang propeta at dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan.” 17 Kumalat sa buong Judea at sa mga nakapaligid na lugar ang balitang ito tungkol sa kanya.
Ang mga Sugo mula kay Juan na Tagapagbautismo(B)
18 Ibinalita kay Juan ng mga alagad nito ang tungkol sa lahat ng mga ito. Kaya't tinawag ni Juan ang dalawa sa kanyang mga alagad 19 at isinugo sila sa Panginoon upang magtanong, “Ikaw na ba ang aming pinakahihintay o maghihintay pa kami ng iba?” 20 Pagdating ng mga lalaking ito kay Jesus ay kanilang sinabi, “Isinugo kami ni Juan na Tagapagbautismo upang magtanong, ‘Ikaw na ba ang aming pinakahihintay o maghihintay pa kami ng iba?’ ” 21 Nang oras na iyon ay marami siyang pinagaling sa karamdaman, sa salot at sa masasamang espiritu. Marami ring bulag na binigyan niya ng paningin. 22 Kaya't sinabi niya sa mga sugo ni Juan, “Humayo kayo at ibalita ninyo kay Juan ang inyong mga nakita at narinig: Nakakakitang muli ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ibinabahagi sa mahihirap ang mabuting balita. 23 Pinagpapala ang taong hindi mag-aalinlangan sa akin.” 24 Nang makaalis ang mga isinugo ni Juan ay nagsimulang magsabi si Jesus sa mga tao ng tungkol kay Juan, “Ano ang sinadya ninyo sa ilang upang makita? Isang tambo na idinuduyan ng hangin? 25 Ano nga ba ang sinadya ninyo upang makita? Isang lalaking nabibihisan ng magarang damit? Naroon sa palasyo ng mga hari ang mga nakasuot ng magagara at namumuhay nang marangya. 26 Subalit ano nga ba ang sinadya ninyo upang makita? Isang propeta? Oo nga! Sinasabi ko sa inyo, siya'y higit pa sa isang propeta. 27 Siya ang tinutukoy ng Kasulatan,
‘Narito at ipinadadala ko ang aking sugo na mauna sa iyong harapan.
Siya ang maghahanda para sa iyo ng iyong daraanan.’
28 Sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga taong isinilang ang higit na dakila kaysa kay Juan, ngunit ang pinakahamak sa kaharian ng Diyos ay mas dakila pa sa kanya.” 29 Ang lahat ng taong nakarinig pati na ang mga maniningil ng buwis ay kumilala sa katuwiran ng Diyos dahil binautismuhan sila ng bautismo ni Juan. 30 Ngunit dahil hindi nagpabautismo sa kanya ang mga Fariseo at ang mga dalubhasa sa Kautusan, tinanggihan nila ang layunin ng Diyos para sa kanila.
31 “Saan ko ngayon maihahambing ang mga tao ng kasalukuyang panahon? Ano ang katulad nila? 32 Tulad nila'y mga batang nakaupo sa pamilihan at nagsasabi sa isa't isa,
‘Tinugtugan namin kayo ng plauta ngunit hindi kayo sumayaw!
Nanaghoy kami ngunit hindi kayo umiyak!’
33 Sapagkat dumating si Juan na Tagapagbautismo na hindi kumakain ng tinapay ni umiinom ng alak, at sinasabi ninyong, ‘Siya ay may demonyo.’ 34 Dumating naman ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom at sinabi naman ninyong, ‘Tingnan ninyo ang taong matakaw at manlalasing, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan.’ 35 Gayon pa man, ang karunungan ay pinatutunayang matuwid ng kanyang mga tagasunod.”
Si Jesus sa Tahanan ni Simon na Fariseo
36 Isang Fariseo ang nag-anyaya kay Jesus na kumaing kasalo niya. Pagpasok niya sa bahay ng Fariseo ay umupo siya sa hapag. 37 Isang babaing makasalanan ang nakatira sa lungsod na iyon. At dahil alam nitong kumakain si Jesus doon sa bahay ng Fariseo ay nagdala ito ng pabango sa sisidlang alabastro. 38 Tumayo siyang umiiyak sa likuran sa may paanan ni Jesus, at unti-unting binasá ang mga paa nito ng kanyang luha. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok at pinaghahagkan ang mga paa ni Jesus at pinahiran iyon ng pabango. 39 Nang makita ito ng Fariseo na nag-anyaya sa kanya ay sinabi nito sa kanyang sarili, “Kung propeta nga ang taong ito, dapat ay alam niya kung sino at anong uring babae itong humahawak sa kanya sapagkat ito ay makasalanan.” 40 Kaya sinabi ni Jesus sa kanya, “Simon, mayroon akong sasabihin sa iyo.” “Sige po Guro,” sagot ni Simon. 41 “May dalawang umutang sa isang tao. Ang isa ay umutang ng limandaang denaryo at ang isa naman ay limampu. 42 Nang hindi makabayad, kapwa sila pinatawad. Sino ngayon sa kanila ang higit na magmamahal sa nagpautang?” 43 Sumagot si Simon, “Sa palagay ko po'y ang pinatawad nang mas malaki.” At sinabi niya rito, “Tama ang iyong pagkaunawa.” 44 Pagharap niya sa babae ay sinabi niya kay Simon, “Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lang ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa. Ngunit binasa niya ng luha ang aking mga paa at pinunasan ito ng kanyang mga buhok. 45 Hindi mo ako hinagkan, ngunit mula nang pumasok ako ay hindi pa siya humihinto nang kahahalik sa aking mga paa. 46 Hindi mo binuhusan ng langis ang aking ulo ngunit pinahiran niya ng pabango ang aking mga paa. 47 Kaya't sinasabi ko sa inyo, ang marami niyang mga kasalanan ay pinatawad na; kaya naman nagmahal siya nang higit. Ngunit ang pinatawad nang kaunti ay magmamahal nang kaunti.” 48 Pagkatapos ay sinabi niya sa babae, “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” 49 Nagsimulang magtanong sa isa't isa ang mga kasalo niya, “Sino ba ang taong ito at nagpapatawad pa ng kasalanan?” 50 At sinabi niya sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Humayo kang panatag ang kalooban.”
Luke 7
King James Version
7 Now when he had ended all his sayings in the audience of the people, he entered into Capernaum.
2 And a certain centurion's servant, who was dear unto him, was sick, and ready to die.
3 And when he heard of Jesus, he sent unto him the elders of the Jews, beseeching him that he would come and heal his servant.
4 And when they came to Jesus, they besought him instantly, saying, That he was worthy for whom he should do this:
5 For he loveth our nation, and he hath built us a synagogue.
6 Then Jesus went with them. And when he was now not far from the house, the centurion sent friends to him, saying unto him, Lord, trouble not thyself: for I am not worthy that thou shouldest enter under my roof:
7 Wherefore neither thought I myself worthy to come unto thee: but say in a word, and my servant shall be healed.
8 For I also am a man set under authority, having under me soldiers, and I say unto one, Go, and he goeth; and to another, Come, and he cometh; and to my servant, Do this, and he doeth it.
9 When Jesus heard these things, he marvelled at him, and turned him about, and said unto the people that followed him, I say unto you, I have not found so great faith, no, not in Israel.
10 And they that were sent, returning to the house, found the servant whole that had been sick.
11 And it came to pass the day after, that he went into a city called Nain; and many of his disciples went with him, and much people.
12 Now when he came nigh to the gate of the city, behold, there was a dead man carried out, the only son of his mother, and she was a widow: and much people of the city was with her.
13 And when the Lord saw her, he had compassion on her, and said unto her, Weep not.
14 And he came and touched the bier: and they that bare him stood still. And he said, Young man, I say unto thee, Arise.
15 And he that was dead sat up, and began to speak. And he delivered him to his mother.
16 And there came a fear on all: and they glorified God, saying, That a great prophet is risen up among us; and, That God hath visited his people.
17 And this rumour of him went forth throughout all Judaea, and throughout all the region round about.
18 And the disciples of John shewed him of all these things.
19 And John calling unto him two of his disciples sent them to Jesus, saying, Art thou he that should come? or look we for another?
20 When the men were come unto him, they said, John Baptist hath sent us unto thee, saying, Art thou he that should come? or look we for another?
21 And in that same hour he cured many of their infirmities and plagues, and of evil spirits; and unto many that were blind he gave sight.
22 Then Jesus answering said unto them, Go your way, and tell John what things ye have seen and heard; how that the blind see, the lame walk, the lepers are cleansed, the deaf hear, the dead are raised, to the poor the gospel is preached.
23 And blessed is he, whosoever shall not be offended in me.
24 And when the messengers of John were departed, he began to speak unto the people concerning John, What went ye out into the wilderness for to see? A reed shaken with the wind?
25 But what went ye out for to see? A man clothed in soft raiment? Behold, they which are gorgeously apparelled, and live delicately, are in kings' courts.
26 But what went ye out for to see? A prophet? Yea, I say unto you, and much more than a prophet.
27 This is he, of whom it is written, Behold, I send my messenger before thy face, which shall prepare thy way before thee.
28 For I say unto you, Among those that are born of women there is not a greater prophet than John the Baptist: but he that is least in the kingdom of God is greater than he.
29 And all the people that heard him, and the publicans, justified God, being baptized with the baptism of John.
30 But the Pharisees and lawyers rejected the counsel of God against themselves, being not baptized of him.
31 And the Lord said, Whereunto then shall I liken the men of this generation? and to what are they like?
32 They are like unto children sitting in the marketplace, and calling one to another, and saying, We have piped unto you, and ye have not danced; we have mourned to you, and ye have not wept.
33 For John the Baptist came neither eating bread nor drinking wine; and ye say, He hath a devil.
34 The Son of man is come eating and drinking; and ye say, Behold a gluttonous man, and a winebibber, a friend of publicans and sinners!
35 But wisdom is justified of all her children.
36 And one of the Pharisees desired him that he would eat with him. And he went into the Pharisee's house, and sat down to meat.
37 And, behold, a woman in the city, which was a sinner, when she knew that Jesus sat at meat in the Pharisee's house, brought an alabaster box of ointment,
38 And stood at his feet behind him weeping, and began to wash his feet with tears, and did wipe them with the hairs of her head, and kissed his feet, and anointed them with the ointment.
39 Now when the Pharisee which had bidden him saw it, he spake within himself, saying, This man, if he were a prophet, would have known who and what manner of woman this is that toucheth him: for she is a sinner.
40 And Jesus answering said unto him, Simon, I have somewhat to say unto thee. And he saith, Master, say on.
41 There was a certain creditor which had two debtors: the one owed five hundred pence, and the other fifty.
42 And when they had nothing to pay, he frankly forgave them both. Tell me therefore, which of them will love him most?
43 Simon answered and said, I suppose that he, to whom he forgave most. And he said unto him, Thou hast rightly judged.
44 And he turned to the woman, and said unto Simon, Seest thou this woman? I entered into thine house, thou gavest me no water for my feet: but she hath washed my feet with tears, and wiped them with the hairs of her head.
45 Thou gavest me no kiss: but this woman since the time I came in hath not ceased to kiss my feet.
46 My head with oil thou didst not anoint: but this woman hath anointed my feet with ointment.
47 Wherefore I say unto thee, Her sins, which are many, are forgiven; for she loved much: but to whom little is forgiven, the same loveth little.
48 And he said unto her, Thy sins are forgiven.
49 And they that sat at meat with him began to say within themselves, Who is this that forgiveth sins also?
50 And he said to the woman, Thy faith hath saved thee; go in peace.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
