Add parallel Print Page Options

Pinagaling ni Jesus ang Lalaking Inaalihan ng Demonyo(A)

26 Pagkatapos sila'y dumating sa lupain ng mga Gadareno,[a] na katapat ng Galilea.

27 At pagbaba niya sa lupa, siya'y sinalubong ng isang lalaking galing sa bayan na may mga demonyo. Matagal na siyang hindi nagsusuot ng damit[b] at hindi tumitira sa bahay, kundi sa mga libingan.

28 Nang makita niya si Jesus, siya'y sumigaw, lumuhod sa harapan niya, at nagsalita sa malakas na tinig, “Anong pakialam mo sa akin, Jesus, Anak ng Diyos na Kataas-taasan? Nakikiusap ako sa iyo, huwag mo akong pahirapan.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 8:26 Sa ibang mga kasulatan ay Geraseno, Gergeseno .
  2. Lucas 8:27 Sa ibang mga kasulatan ay siya'y sinalubong ng isang lalaking galing sa lunsod na matagal nang may mga demonyo .