Font Size
Lucas 8:26-28
Ang Biblia (1978)
Lucas 8:26-28
Ang Biblia (1978)
26 At sila'y nagsidating (A)sa lupain ng mga Gadareno, na nasa tapat ng Galilea.
27 At pagkalunsad niya sa lupa, siya'y sinalubong ng (B)isang lalaking galing sa bayan, na may mga demonio; at malaong panahon na hindi siya nagdaramit, at hindi tumatahan sa bahay, kundi sa mga libingan.
28 At nang makita niya si Jesus, siya'y sumigaw, at nagpatirapa sa harap niya, at sinabi ng malakas na tinig, Ano ang pakialam ko sa iyo, Jesus, ikaw na Anak ng Dios na Kataastaasan? Ipinamamanhik ko sa iyo, na huwag mo akong pahirapan.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978