Lucas 8:13-15
Ang Biblia, 2001
13 At ang mga nasa bato ay sila na pagkatapos makarinig ay tinanggap na may galak ang salita, subalit ang mga ito'y walang ugat; sila'y sumampalataya nang sandaling panahon lamang at sa panahon ng pagsubok ay tumalikod.
14 Ang nahulog naman sa tinikan ay ang mga nakinig subalit sa kanilang pagpapatuloy ay sinakal sila ng mga alalahanin, mga kayamanan, at mga kalayawan sa buhay at ang kanilang bunga ay hindi gumulang.
15 At ang nahulog sa mabuting lupa ay sila na pagkatapos marinig ang salita, ay iningatan ito sa isang tapat at mabuting puso at nagbubunga na may pagtitiyaga.
Read full chapter
Lucas 8:13-15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
13 Ang mga nalaglag naman sa batuhan ay ang mga nakarinig sa salita at tumanggap dito nang may kagalakan. Ngunit sa kawalan ng ugat, sandali lamang sila nanampalataya at tumalikod sa panahon ng pagsubok. 14 Ang mga napadpad sa tinikan ay ang mga nakarinig ngunit sa kanilang pagpapatuloy ay sinakal ng kabalisahan, mga kayamanan at mga layaw ng buhay kaya't hindi nahinog ang kanilang bunga. 15 Ngunit ang mga nalaglag sa mabuting lupa ay iyong mga nakarinig ng salita at iningatan ito sa kanilang puso nang may katapatan at kabutihan kaya nagbunga ang kanilang pagtitiyaga.”
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
