Add parallel Print Page Options

35 Ngunit darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal, at saka sila mag-aayuno.”

36 Sinabi rin ni Jesus sa kanila ang mga talinghaga na ito: “Hindi ginugupit ang bagong damit para ipangtagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit, at ang tagping bago ay hindi babagay sa lumang damit. 37 Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, dahil puputok ang sisidlan at matatapon ang alak, at ang sisidlan ay hindi na mapapakinabangan pa.

Read full chapter

35 Ngunit darating din naman ang mga araw kung kailan ilalayo sa kanila ang lalaking ikakasal. Sa mga araw na iyon pa lamang sila mag-aayuno.” 36 At sinabi niya sa kanila ang isang talinghaga, “Walang pumupunit ng bagong damit at ipinantatagpi iyon sa lumang damit. Kung gagawin iyon, masisira ang bago at ang tagping mula sa bago ay hindi babagay sa luma. 37 Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang balat. Papuputukin lamang ng bagong alak ang sisidlang balat. Matatapon lang ang alak at masisira ang sisidlan.

Read full chapter