Lucas 5:31-33
Magandang Balita Biblia
31 Sinagot sila ni Jesus, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. 32 Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan upang sila'y magsisi.”
Katanungan tungkol sa Pag-aayuno(A)
33 May ilan namang nagsabi kay Jesus ng ganito: “Ang mga alagad ni Juan ay malimit mag-ayuno at manalangin, gayundin ang mga alagad ng mga Pariseo. Subalit ang mga alagad mo'y patuloy sa pagkain at pag-inom.”
Read full chapter
Lucas 5:31-33
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
31 Sumagot sa kanila si Jesus, “Hindi ang malulusog ang nangangailangan sa manggagamot kundi ang mga maysakit. 32 Hindi ako pumarito upang tawaging magsisi ang matutuwid kundi ang mga makasalanan.”
Ang Tanong tungkol sa Pag-aayuno(A)
33 Sinabi ng ilan kay Jesus, “Madalas mag-ayuno at manalangin ang mga alagad ni Juan. Gayundin naman ang sa mga Fariseo. Ngunit ang mga alagad mo ay kumakain at umiinom.”
Read full chapter
Lucas 5:31-33
Ang Biblia (1978)
31 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila, Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot; kundi ang mga may sakit.
32 (A)Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi.
33 (B)At sinabi (C)nila sa kaniya, Ang mga alagad ni Juan ay nangagaayunong madalas, at (D)nagsisigawa ng mga pagdaing; gayon din ang mga alagad ng mga Fariseo; datapuwa't ang mga iyo'y nagsisikain at nagsisiinom.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978