Lucas 5:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 Alin ba ang mas madaling sabihin, ‘Pinapatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o ‘Tumayo ka at lumakad’? 24 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa…” sinabi niya sa paralitiko, “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka na!” 25 Agad namang tumayo ang lalaki, at sa harap ng lahat ay binuhat niya ang kanyang higaan at umuwing nagpupuri sa Diyos.
Read full chapter
Lucas 5:23-25
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
23 Alin ba ang mas madali? Ang sabihing, ‘Pinatatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o ang sabihing, ‘Tumindig ka at lumakad?’ 24 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan,” sinabi niya sa paralitiko, “Sinasabi ko sa iyo, tumindig ka at umuwi ka na sa iyong bahay na dala ang iyong higaan.” 25 Kaagad tumayo ang lalaki sa harapan nila, binuhat ang kanyang higaan, at umuwing nagpupuri sa Diyos.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
