Lucas 4
Ang Biblia (1978)
4 At si Jesus, na (A)puspos ng Espiritu Santo ay (B)bumalik mula sa Jordan at inihatid (C)ng Espiritu sa ilang,
2 (D)Sa loob ng apat na pung araw na tinutukso ng diablo. At hindi siya kumain ng anoman nang mga araw na yaon; at nang maganap ang mga yaon ay nagutom siya.
3 At sinabi sa kaniya ng diablo, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ipag-utos mo na ang batong ito ay maging tinapay.
4 At sinagot siya ni Jesus, Nasusulat, (E)Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao.
5 At iniakyat pa siya niya, at ipinakita sa kaniya sa sandaling panahon ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan.
6 At sinabi sa kaniya ng diablo, Sa iyo'y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang ito, at ang kaluwalhatian nila: sapagka't ito'y naibigay na (F)sa akin; at ibibigay ko kung kanino ko ibig.
7 Kaya nga kung sasamba ka sa harapan ko, ay magiging iyong lahat.
8 At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Nasusulat, (G)Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.
9 At dinala niya siya sa Jerusalem, at inilagay siya sa taluktok ng templo, at sinabi sa kaniya, Kung ikaw ay Anak ng Dios, ay magpatihulog ka mula rito hanggang sa ibaba:
10 Sapagka't (H)nasusulat,
Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ikaw ay ingatan:
11 At,
Aalalayan ka nila ng kanilang mga kamay,
Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
12 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Nasasabi, (I)Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios.
13 At nang matapos ng diablo ang lahat ng pagtukso, ay hiniwalayan siya niya (J)ng ilang panahon.
14 At bumalik si Jesus sa Galilea (K)sa kapangyarihan ng Espiritu: (L)at kumalat ang kabantugan tungkol sa kaniya sa palibot ng buong lupain.
15 (M)At nagtuturo siya sa mga sinagoga nila, na niluluwalhati ng lahat.
16 (N)At siya'y napasa Nazaret (O)na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at (P)nagtindig upang bumasa.
17 At ibinigay sa kaniya ang aklat ng propeta Isaias. At binuklat niya ang aklat, na nasumpungan niya ang dakong kinasusulatan,
18 (Q)Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon,
Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha:
Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas,
At sa mga bulag ang pagkakita,
Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi,
19 Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon.
20 At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod, at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya.
21 At siya'y nagpasimulang magsabi sa kanila, Ngayo'y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig.
22 At siya'y pinatotohanan ng lahat, at (R)nangagtataka sa mga salita ng biyaya na lumalabas sa kaniyang bibig: at sinabi nila, (S)Hindi baga ito ang anak ni Jose?
23 At sinabi niya sa kanila, Walang salang sasabihin ninyo sa akin itong talinghaga, (T)Manggagamot, gamutin mo ang iyong sarili: ang anomang aming narinig na ginawa sa (U)Capernaum, ay gawin mo naman dito sa (V)iyong lupain.
24 At sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (W)Walang propetang kinalulugdan sa kaniyang tinubuang lupa.
25 Datapuwa't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maraming mga baong babai sa Israel nang mga araw ni Elias, nang sarhan ang langit sa loob ng (X)tatlong taon at anim na buwan, noong datnan ng malaking kagutom ang buong sangkalupaan;
26 At sa kanino man sa kanila ay hindi sinugo si Elias, kundi (Y)sa Sarepta sa lupa ng Sidon, sa isang babaing bao.
27 At maraming ketongin (Z)sa Israel nang panahon ni Eliseo na propeta; at sinoman sa kanila'y hindi nilinis, kundi lamang si Naaman na Siro.
28 At nangapuspos ng galit ang lahat ng nangasa sinagoga, sa pagkarinig nila ng mga bagay na ito;
29 At sila'y nagsitindig, at ipinagtabuyan siya sa labas ng bayan at dinala siya hanggang sa ibabaw ng taluktok ng gulod na kinatatayuan ng kanilang bayan, upang siya'y maibulid nila ng patiwarik.
30 Datapuwa't (AA)pagdaraan niya sa gitna nila, ay yumaon ng kaniyang lakad.
31 At (AB)siya'y bumaba sa Capernaum, na isang bayan ng Galilea. At sila'y tinuruan niya sa araw ng sabbath:
32 At nangagtaka sila (AC)sa kaniyang aral, sapagka't may kapamahalaan ang kaniyang salita.
33 At sa sinagoga ay may isang lalake na may espiritu ng karumaldumal na demonio; at siya'y sumigaw ng malakas na tinig,
34 Ah! anong mayroon kami sa iyo, Jesus, ikaw na Nazareno? naparito ka baga upang kami'y iyong puksain? (AD)nakikilala ko ikaw kung sino ka, ang Banal ng Dios.
35 At sinaway siya ni Jesus, na sinasabi, Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya. At nang siya'y mailugmok ng demonio sa gitna, ay lumabas siya sa kaniya, na hindi siya sinaktan.
36 At silang lahat ay nangagtaka at nagsalitaan ang isa't isa, na nangagsasabi, Anong salita kaya ito? sapagka't siya na may kapamahalaan at kapangyarihan ay naguutos sa mga karumaldumal na espiritu, at nagsisilabas sila.
37 At kumakalat ang alingawngaw tungkol sa kaniya sa lahat ng dako sa palibotlibot ng lupaing yaon.
38 (AE)At siya'y nagtindig (AF)sa sinagoga, at pumasok sa bahay ni Simon. At nilalagnat na mainam ang biyanang babae ni Simon, at siya'y kanilang ipinamanhik sa kaniya.
39 At tinunghan niya siya, at (AG)sinaway ang lagnat; at inibsan siya: at siya'y nagtindig pagdaka at naglingkod sa kanila.
40 At nang lumulubog na ang araw, ang (AH)lahat na may mga sakit ng sarisaring karamdaman ay dinala sa kaniya; at ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawa't isa sa kanila, at sila'y pinagaling.
41 At nagsilabas (AI)din sa marami ang mga demonio (AJ)na nagsisisigaw, na nagsasabi, Ikaw ang anak ng Dios. At (AK)sinasaway sila, na di niya sila tinutulutang mangagsalita, sapagka't naalaman nilang siya ang Cristo.
42 (AL)At nang araw na, ay lumabas siya at naparoon sa isang ilang na dako: at hinahanap siya ng mga karamihan, at nagsiparoon sa kaniya, at pinagpipilitang pigilin siya, upang huwag siyang humiwalay sa kanila.
43 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Dapat namang ipangaral ko sa mga ibang bayan ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios: sapagka't sa ganito ay sinugo ako.
44 At siya'y nangangaral (AM)sa mga sinagoga ng Galilea.
Lucas 4
Ang Salita ng Diyos
Tinukso ng Diyablo si Jesus
4 Si Jesus na puspos ng Banal na Espiritu ay bumalik mula sa Jordan. Pinatnubayan siya ng Espiritu sa ilang.
2 Doon ay tinukso siya ng diyablo sa loob ng apatnapung araw. Sa mga araw na iyon ay wala siyang kinaing anuman. Pagkatapos ng mga ito, nagutom siya.
3 Sinabi ng diyablo sa kaniya: Yamang ikaw ang anak ng Diyos, sabihin mo sa batong ito na maging tinapay.
4 Sumagot si Jesus sa kaniya na sinasabi: Nasusulat:
Hindi lamang sa tinapay mabubuhay ang tao kundi sa bawat Salita ng Diyos.
5 Dinala siya ng diyablo sa isang mataas na bundok. Ipinakita sa kaniya ang lahat ng mga paghahari sa sanlibutan sa sandaling panahon. 6 Sinabi ng diyablo sa kaniya: Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapamahalaang ito at ang kanilang kaluwalhatian sapagkat ibinigay na ito sa akin at ibibigay ko ito kung kanino ko naisin. 7 Kung ikaw nga ay sasamba sa akin, ang lahat ng mga ito ay magiging iyo.
8 Sinagot siya ni Jesus at sinabi: Lumayo ka, Satanas! Ito ay sapagkat nasusulat:
Dapat mong sambahin ang Panginoon mong Diyos, at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.
9 Dinala ng diyablo si Jesus sa Jerusalem at inilagay siya sa taluktok ng templo. Sinabi sa kaniya: Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka. 10 Ito ay sapagkat nasusulat:
Uutusan niya ang kaniyang mga anghel patungkol sa iyo upang ingatan kang mabuti.
11 Bubuhatin ka nila ng kanilang mga kamay upang hindi tumama ang iyong paa sa bato.
12 Pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya: Nasusulat:
Huwag mong tuksuhin ang Panginoon mong Diyos.
13 Nang matapos ang bawat pagtukso ng diyablo, siya ay umalis at iniwan si Jesus ng pansamantala.
Si Jesus ay Tinanggihan ng mga Taga-Nazaret
14 Si Jesus ay bumalik sa Galilea sa kapangyarihan ng Espiritu. Kumalat sa buong lupain ang balita patungkol sa kaniya.
15 Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga na niluluwalhati ng lahat.
16 Siya ay pumunta sa Nazaret, ang lugar na kinalakihan niya. Ayon sa kaniyang kinaugalian, siya ay pumasok sa sinagoga sa araw ng Sabat. Siya ay tumayo upang bumasa. 17 Ibinigay sa kaniya ang nakabalumbongaklat ni Isaias na propeta. Nang mailadlad ang aklat, natagpuan niya ang bahagi na ganito ang nasusulat:
18 Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin dahil pinahiran niya ako upang ipahayag ang ebanghelyo sa mga dukha. Sinugo niya ako upang pagalingin ang mga sugatang puso. Sinugo niya ako upang ipangaral ang kalayaan sa mga bihag at ang pananauli ng paningin sa mga bulag. Sinugo niya ako upang palayain ang mga inapi. 19 Sinugo niya ako upang ipangaral ang katanggap-tanggap na taon ng Panginoon.
20 Nang mabalumbon na ang aklat, ibinigay ito ni Jesus sa tagapaglingkod sa templo at umupo. Ang mga mata ng lahatng mga nasa loob ng sinagoga ay nakatuon sa kaniya. 21 Sinimulan niyang sabihin sa kanila: Sa araw na ito, habang kayo ay nakikinig, ang kasulatang ito ay naganap.
22 Ang lahat ay nagpatotoo sa kaniya. Namangha sila sa mgamabiyayang salita na lumabas sa kaniyang bibig. Sinabi nila: Hindi ba ito ang anak ni Jose?
23 Sinabi ni Jesus sa kanila: Tiyak na sasabihin ninyo sa akin ang talinghagang ito: Manggagamot, pagalingin mo ang iyong sarili. Ang anumang narinig naming ginawa mo sa Capernaum ay gawin mo rin dito sa sarili mong bayan.
24 Sinabi niya: Totoong sinasabi ko sa inyo, walang propetang tinatanggap sa kaniyang sariling bayan. 25 Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: Sa panahon ni Elias ay maraming mga babaeng balo sa Israel. Ang langit ay isinara sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. Nagkaroon ng malaking taggutom sa lahat ng lupain. 26 Sa panahong iyon ay hindiisinugo si Elias sa mga babaeng balo maliban sa isang babaeng balo sa Sarepat. Ang Sarepat ay isang bayan sa Sidon. 27 Sa panahon ng propetang si Eliseo ay maraming ketongin sa Israel. Walang nilinis sa kanila malibankay Naaman na taga-Siria.
28 Sa pagkarinig ng mga bagay na ito, ang lahat ng nasa sinagoga ay nag-alab sa galit. 29 Sila ay tumindig at itinaboy si Jesus sa labas ng lungsod. Siya ay dinala nila sa bingit ng burol na kinatatayuan ng kanilang lungsod upang ihulog siya. 30 Gayunman, siya ay umalis na dumaan sa kanilang kalagitnaan.
Pinalayas ni Jesus ang Karumal-dumal na Espiritu
31 Si Jesus ay bumaba sa Capernaum, lungsod ng Galilea. Nagturo siya sa kanila sa araw ng Sabat.
32 Sila ay nanggilalas sa kaniyang turo dahil ang kaniyang salita ay may kapamahalaan.
33 Sa sinagoga ay may isang lalaki na may espiritu ng karumal-dumal na demonyo. Siya ay sumigaw na may malakas na tinig. 34 Sinabi niya: Aba! Ano ang kaugnayan natin sa isa’t isa, Jesus na taga-Nazaret? Pumunta ka ba upang kami ay wasakin? Kilala kita kung sino ka. Ikaw ang Banal ng Diyos!
35 Sinaway siya ni Jesus. Sinabi sa kaniya: Tumahimik ka at lumabas ka sa kaniya. Nang maibagsak ng demonyo ang lalaki sa kalagitnaan nila, lumabas siya mula sa lalaki. Hindi niya ito sinaktan.
36 Lahat sila ay namangha at nag-usap-usap sa bawat isa. Kanilang sinasabi: Anong salita ito? May kapamahalaan at kapangyarihang inutusan niya ang mga karumal-dumal na espiritu at sila ay lumabas. 37 At kumalat ang balita patungkol sa kaniya sa bawat dako ng lupain sa palibot.
Pinagaling ni Jesus ang Maraming Tao
38 Siya ay tumindig at lumabas sa sinagoga, siya ay pumasok sa bahay ni Simon. Ang biyenang babae ni Simon ay pinahihirapan ng mataas na lagnat. Hiniling nila kay Jesus na pagalingin siya.
39 Tumayo si Jesus sa tabi niya at sinaway ang lagnat at ito ay nawala. Kapagdaka, siya ay bumangon at pinaglingkuran sila.
40 Nang papalubog na ang araw, dinala nila kay Jesus ang mga taong may iba’t ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. 41 Lumabas din ang mga demonyo sa marami sa kanila. Ang mga demonyo ay sumisigaw at nagsasabi: Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos! Sila ay sinaway niya at hindi pinagsalita dahil alam nila na siya ang Mesiyas.
42 Kinaumagahan, siya ay umalis at pumunta sa ilang na dako. Hinanap siya ng mga tao at lumapit sila sa kaniya. Nang sila ay makalapit sa kaniya, pinigilan nila siyang umalis. 43 Ngunit sinabi niya sa kanila: Kinakailangang ipangaral ko rin sa ibang mga lungsod ang ebanghelyo, patungkol sa paghahari ng Diyos. Ito angdahilan kung bakit ako isinugo. 44 Siya ay nangaral sa mga sinagoga sa Galilea.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1998 by Bibles International