Lucas 4:28-30
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
28 Pagkarinig dito, nagngitngit sa galit ang lahat ng nasa sinagoga. 29 Nagtindigan sila at itinaboy siya papalabas ng bayan at dinala siya sa bingit ng burol na kinatatayuan ng kanilang bayan upang ihulog siya roon. 30 Ngunit siya ay dumaan lamang sa kalagitnaan nila at umalis.
Read full chapter
Lucas 4:28-30
Ang Dating Biblia (1905)
28 At nangapuspos ng galit ang lahat ng nangasa sinagoga, sa pagkarinig nila ng mga bagay na ito;
29 At sila'y nagsitindig, at ipinagtabuyan siya sa labas ng bayan at dinala siya hanggang sa ibabaw ng taluktok ng gulod na kinatatayuan ng kanilang bayan, upang siya'y maibulid nila ng patiwarik.
30 Datapuwa't pagdaraan niya sa gitna nila, ay yumaon ng kaniyang lakad.
Read full chapter
Lucas 4:28-30
Ang Biblia (1978)
28 At nangapuspos ng galit ang lahat ng nangasa sinagoga, sa pagkarinig nila ng mga bagay na ito;
29 At sila'y nagsitindig, at ipinagtabuyan siya sa labas ng bayan at dinala siya hanggang sa ibabaw ng taluktok ng gulod na kinatatayuan ng kanilang bayan, upang siya'y maibulid nila ng patiwarik.
30 Datapuwa't (A)pagdaraan niya sa gitna nila, ay yumaon ng kaniyang lakad.
Read full chapter
Lucas 4:28-30
Ang Biblia, 2001
28 Nang marinig nila ang mga bagay na ito, napuno ng galit ang lahat ng nasa sinagoga.
29 Sila'y tumindig, ipinagtabuyan siya sa labas ng bayan at dinala siya hanggang sa taluktok ng burol na kinatatayuan ng kanilang bayan, upang siya'y ihulog nila nang patiwarik.
30 Ngunit dumaan siya sa gitna nila at siya'y umalis.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
