Lucas 4:25-26
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
25 Ngunit ang totoo, maraming balong babae sa Israel noong panahon ni Elias, nang tatlong taon at anim na buwang hindi umulan na nagsanhi ng taggutom sa buong lupain. 26 Ngunit hindi isinugo si Elias sa isa man sa kanila kundi sa isang balong babae sa Zarefta sa lupain ng Sidon.
Read full chapter
Lucas 4:25-26
Ang Biblia (1978)
25 Datapuwa't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maraming mga baong babai sa Israel nang mga araw ni Elias, nang sarhan ang langit sa loob ng (A)tatlong taon at anim na buwan, noong datnan ng malaking kagutom ang buong sangkalupaan;
26 At sa kanino man sa kanila ay hindi sinugo si Elias, kundi (B)sa Sarepta sa lupa ng Sidon, sa isang babaing bao.
Read full chapter
Lucas 4:25-26
Ang Dating Biblia (1905)
25 Datapuwa't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maraming mga baong babai sa Israel nang mga araw ni Elias, nang sarhan ang langit sa loob ng tatlong taon at anim na buwan, noong datnan ng malaking kagutom ang buong sangkalupaan;
26 At sa kanino man sa kanila ay hindi sinugo si Elias, kundi sa Sarepta sa lupa ng Sidon, sa isang babaing bao.
Read full chapter
Lucas 4:25-26
Ang Salita ng Diyos
25 Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: Sa panahon ni Elias ay maraming mga babaeng balo sa Israel. Ang langit ay isinara sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. Nagkaroon ng malaking taggutom sa lahat ng lupain. 26 Sa panahong iyon ay hindiisinugo si Elias sa mga babaeng balo maliban sa isang babaeng balo sa Sarepat. Ang Sarepat ay isang bayan sa Sidon.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1998 by Bibles International
