Add parallel Print Page Options

23 Sinabi ni Jesus sa kanila: Tiyak na sasabihin ninyo sa akin ang talinghagang ito: Manggagamot, pagalingin mo ang iyong sarili. Ang anumang narinig naming ginawa mo sa Capernaum ay gawin mo rin dito sa sarili mong bayan.

24 Sinabi niya: Totoong sinasabi ko sa inyo, walang propetang tinatanggap sa kaniyang sariling bayan. 25 Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: Sa panahon ni Elias ay maraming mga babaeng balo sa Israel. Ang langit ay isinara sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. Nagkaroon ng malaking taggutom sa lahat ng lupain.

Read full chapter