Add parallel Print Page Options

At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!’”

Kaya't(A) sinabi ni Juan sa maraming taong lumapit sa kanya upang magpabautismo, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa poot na darating? Ipakita(B) ninyo sa pamamagitan ng gawa na nagsisisi kayo, at huwag ninyong sabihing mga anak kayo ni Abraham. Sinasabi ko sa inyo, mula sa mga batong ito ay makakalikha ang Diyos ng mga tunay na anak ni Abraham.

Read full chapter

At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Diyos.’ ”

Sinabi ni Juan sa maraming mga taong nagdatingan upang magpabautismo sa kanya, “Mga anak ng ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa darating na poot? Kaya mamunga kayo ng mga bungang karapat-dapat sa pagsisisi. Huwag ninyong sabihin sa isa't isa, ‘Ama namin si Abraham.’ Sinasabi ko sa inyo na mula sa mga batong ito ay kaya ng Diyos na lumikha ng mga anak para kay Abraham.

Read full chapter