Lucas 24:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Muling Nabuhay si Jesus(A)
24 Madaling-araw ng Linggo, pumunta ang mga babae sa libingan dala ang mga pabangong inihanda nila. 2 Nang dumating sila sa libingan, nakita nilang naalis na ang batong nakatakip sa pintuan ng libingan. 3 Kaya pumasok sila sa loob, pero hindi nila nakita ang bangkay ng Panginoong Jesus.
Read full chapter
Lucas 24:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Nabuhay Muli si Jesus(A)
24 Maagang-maaga pa ng unang araw ng sanlinggo, pumunta na ang mga babae sa libingan dala ang mga pabango na kanilang inihanda. 2 Natagpuan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan. 3 Pagpasok nila ay hindi nila nakita ang bangkay ng Panginoong Jesus.
Read full chapter
Lucas 24:1-3
Ang Biblia (1978)
24 Datapuwa't (A)nang unang araw ng sanglinggo (B)pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga (C)pabango na kanilang inihanda.
2 At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan.
3 At sila'y nagsipasok, at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus.
Read full chapter
Lucas 24:1-3
Ang Biblia, 2001
Nabuhay Muli si Jesus(A)
24 Subalit nang unang araw ng sanlinggo sa pagbubukang-liwayway, pumunta sila sa libingan, dala ang mga pabango na kanilang inihanda.
2 At nakita nilang naigulong na ang bato mula sa libingan.
3 Subalit nang sila'y pumasok ay hindi nila nakita ang bangkay.[a]
Read full chapterFootnotes
- Lucas 24:3 Sa ibang mga kasulatan ay bangkay ng Panginoong Jesus .
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
