Print Page Options

Sa Harapan ni Pilato(A)

23 Tumayo ang buong Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio at dinala si Jesus kay Pilato. Siya ay pinaratangan nila ng ganito, “Napatunayan po namin na inililigaw ng taong ito ang aming mga kababayan at pinagbabawalan niyang magbayad ng buwis sa Emperador. Sinasabi pa niyang siya raw ang Cristo, na isang hari.”

Tinanong siya ni Pilato, “Ikaw nga ba ang Hari ng mga Judio?”

“Ikaw na ang may sabi,” tugon ni Jesus.

Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa mga tao, “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.”

Ngunit iginiit nila, “Sa kanyang pagtuturo ay inuudyukan niyang maghimagsik ang mga taga-Judea. Nagsimula siya sa Galilea at ngayo'y narito na.”

Sa Harapan ni Herodes

Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung si Jesus ay taga-Galilea nga. At nang malaman niyang si Jesus ay sakop ni Haring Herodes, ipinadala niya si Jesus kay Herodes, na nagkataon namang nasa Jerusalem nang mga araw na iyon. Tuwang-tuwa si Herodes nang makita niya si Jesus. Matagal na niyang ibig makita ito sapagkat marami siyang nababalitaan tungkol dito. Umaasa si Herodes na gagawa si Jesus ng ilang himala, at nais niyang makita iyon. Marami siyang itinanong kay Jesus, ngunit hindi ito sumagot kahit minsan.

10 Samantala, ang mga punong pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan ay nakatayo doon at walang pakundangang pinaparatangan si Jesus. 11 Siya'y hinamak at tinuya ni Herodes at ng mga kawal nito. Siya ay dinamitan nila ng magarang damit, at ipinabalik siya kay Pilato. 12 At nang araw ding iyon, naging magkaibigan sina Herodes at Pilato na dati'y magkagalit.

Hinatulang Mamatay si Jesus(B)

13 Ipinatawag ni Pilato ang mga punong pari, ang mga pinuno ng bayan at ang mga tao. 14 Sinabi niya sa kanila, “Isinakdal ninyo sa akin ang taong ito sa paratang na inililigaw niya ang mga taong bayan. Siniyasat ko siya sa harap ninyo at napatunayan kong walang katotohanan ang mga paratang ninyo sa kanya. 15 Gayundin si Herodes, kaya ipinabalik niya sa atin ang taong ito. Wala siyang ginawang karapat-dapat para sa hatol na kamatayan. 16 Ipahahagupit ko na lamang siya at pagkatapos ay aking palalayain.” [17 Tuwing Pista ng Paskwa, kinakailangang magpalaya si Pilato ng isang bilanggong mapipili ng taong-bayan.][a]

18 Subalit sabay-sabay na sumigaw ang mga tao, “Patayin ang taong iyan! Palayain si Barabbas!” 19 Si Barabbas ay nabilanggo dahil sa paghihimagsik na pinangunahan nito sa lungsod, at dahil na rin sa salang pagpatay.

20 Sa pagnanais na mapalaya si Jesus, minsan pang nagsalita sa kanila si Pilato, 21 ngunit sumigaw ang mga tao, “Ipako siya sa krus! Ipako siya sa krus!”

22 Ikatlong ulit na sinabi sa kanila ni Pilato, “Bakit, ano ba ang ginawa niyang masama? Wala akong makitang dahilan upang siya'y hatulan ng kamatayan. Kaya't ipahahagupit ko siya at pagkatapos ay palalayain.”

23 Ngunit lalo nilang ipinagsigawan na si Jesus ay dapat ipako sa krus. Nanaig ang kanilang sigaw 24 kaya't ipinasya ni Pilato na pagbigyan ang kanilang hinihingi. 25 Ang taong hiningi nila, na nabilanggo dahil sa paghihimagsik at pagpatay, ay pinalaya niya at ibinigay niya si Jesus sa kanila upang gawin ang kanilang kagustuhan.

Si Jesus ay Ipinako sa Krus(C)

26 Si Jesus ay dinala ng mga kawal. Nasalubong nila sa daan si Simon na taga-Cirene na noon ay galing sa bukid. Pinigil nila ito at ipinapasan dito ang krus habang pinapasunod kay Jesus.

27 Sinusundan si Jesus ng maraming tao, kabilang ang ilang babaing nag-iiyakan at tumatangis dahil sa kanya. 28 Nilingon sila ni Jesus at sinabi, “Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong sarili at ang inyong mga anak. 29 Tandaan ninyo, darating ang mga araw na sasabihin nila, ‘Pinagpala ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalang-tao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.’ 30 Sa(D) mga araw na iyo'y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, ‘Gumuho kayo sa amin!’ at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’ 31 Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang mangyayari sa kahoy na tuyo?”

32 May dalawa pang kriminal na inilabas ang mga kawal upang pataying kasama ni Jesus. 33 Nang dumating sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo, ipinako nila si Jesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kaliwa. [34 Sinabi(E) ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”][b]

Nagpalabunutan ang mga kawal upang paghati-hatian ang kasuotan niya. 35 Ang(F) mga tao nama'y nakatayo roon at nanonood, habang si Jesus ay kinukutya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi nila, “Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ngayon ang kanyang sarili kung siya nga ang Cristo na hinirang ng Diyos!”

36 Nilait(G) din siya ng mga kawal. Nilapitan siya ng isa at inalok ng maasim na alak, 37 kasabay ng ganitong panunuya, “Kung ikaw nga ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.”

38 Mayroon ding nakasulat sa kanyang ulunan [sa wikang Griego, Latin at Hebreo],[c] “Ito ang Hari ng mga Judio.”

39 Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.”

40 Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! 41 Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.” 42 At sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.”

43 Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”

Ang Pagkamatay ni Jesus(H)

44 Nang magtatanghaling-tapat na, hanggang sa ikatlo ng hapon, nagdilim sa buong lupain. 45 Nawalan(I) ng liwanag ang araw at ang tabing ng Templo'y napunit sa gitna. 46 Sumigaw(J) nang malakas si Jesus, “Ama, sa mga kamay mo'y ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.

47 Nang makita ng kapitan ng mga kawal ang nangyari, siya'y nagpuri sa Diyos na sinasabi, “Tunay ngang matuwid ang taong ito!”

48 Maraming tao ang nagkakatipon doon at nanonood. Nang makita nila ang mga nangyari, umuwi silang dinadagukan ang kanilang dibdib dahil sa lungkot. 49 Nakatayo(K) naman sa di-kalayuan ang mga kasamahan ni Jesus, pati ang mga babaing sumama sa kanya mula sa Galilea. Pinagmasdan nila ang mga pangyayaring ito.

Ang Paglilibing kay Jesus(L)

50-51 May isang lalaki roon na ang pangala'y Jose. Siya'y taga-Arimatea, isang bayan sa Judea. Mabuti at matuwid ang taong ito, at isa siya sa mga naghihintay sa kaharian ng Diyos. Kahit na siya'y kagawad ng Kapulungan, hindi siya sang-ayon sa kanilang ginawa kay Jesus. 52 Nagpunta siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus. 53 Ibinabâ niya ang bangkay, binalot sa telang lino at inilagay sa isang libingang inuka sa bato na hindi pa napaglilibingan. 54 Araw noon ng Paghahanda at magsisimula na ang Araw ng Pamamahinga.

55 Sumunod kay Jose ang mga babaing sumama kay Jesus mula pa sa Galilea. Nakita nila ang libingan at ang pagkakalagay doon ng bangkay ni Jesus. 56 Pagkatapos,(M) umuwi sila at naghanda ng mga pabango at mira.

Pagsapit ng Araw ng Pamamahinga, nangilin sila ayon sa Kautusan.

Footnotes

  1. 17 Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang talatang 17.
  2. 34 Sinabi ni Jesus…ang kanilang ginagawa: Sa ibang matatandang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
  3. 38 sa wikang...at Hebreo: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.

Si Jesus sa Harapan ni Pilato(A)

23 Tumindig ang buong kapulungan at dinala si Jesus kay Pilato. Nagsimula sila na paratangan si Jesus. Sinabi nila, “Natagpuan namin ang taong ito na inililigaw ang aming bansa at ipinagbabawal ang pagbubuwis sa Emperador. Sinasabi rin niyang siya ang Cristo, ang hari.” Tinanong siya ni Pilato, “Ikaw ba ang hari ng mga Judio?” Sumagot siya, “Ikaw ang may sabi n'yan.” Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa mga tao, “Wala akong makitang kasalanan ng taong ito.” Ngunit nagpumilit sila at sinabi, “Sinusulsulan niya ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang pagtuturo sa buong Judea, mula Galilea hanggang sa lugar na ito.”

Si Jesus sa Harapan ni Herodes

Nang marinig ito ni Pilato, nagtanong siya kung ang taong iyon ay taga-Galilea. Nang malaman niya na ang taong ito ay sakop ni Herodes, ipinadala niya ito kay Herodes, na nasa Jerusalem nang mga araw na iyon. Tuwang-tuwa si Herodes nang makita si Jesus, sapagkat matagal na niyang nais na makita ito dahil sa mga narinig niya tungkol dito. Umaasa rin siyang makakita ng himalang gagawin ni Jesus. Marami siyang itinanong dito, ngunit hindi sumagot si Jesus. 10 Nakatayo roon ang mga punong pari at tagapagturo ng Kautusan na walang tigil sa pagbibintang kay Jesus. 11 Kinutya siya at hinamak ni Herodes kasama ng mga kawal nito. Dinamitan siya ng magagandang kasuotan at pagkatapos ay ibinalik kay Pilato. 12 Kaya't ang dating magkagalit na sina Herodes at Pilato ay naging magkaibigan nang araw din na iyon.

Hinatulan ng Kamatayan si Jesus(B)

13 Tinipon ni Pilato ang mga punong pari, ang mga pinuno ng bayan at ang mga taong-bayan. 14 Sinabi niya sa kanila, “Dinala ninyo sa akin ang taong ito na parang nang-uudyok sa taong-bayan na maghimagsik. Pakinggan ninyo: ako ang nagsiyasat sa kanya sa inyong harapan at hindi ko matagpuang nagkasala ang taong ito ng ano mang bintang ninyo sa kanya. 15 Gayundin si Herodes, kaya ibinalik niya ang taong ito sa atin. Ang taong ito'y walang ginawang nararapat sa parusang kamatayan. 16 Kaya ipahahagupit ko na lamang siya at pagkatapos ay palalayain.” 17 [Tuwing Paskuwa, kailangang magpalaya siya ng isang bilanggo para sa kanila.][a] 18 Ngunit sabay-sabay silang sumigaw, “Patayin ang taong iyan! Palayain sa amin si Barabas.” 19 Si Barabas ay isang lalaking nabilanggo dahil sa paghihimagsik na nangyari sa lungsod at sa salang pagpaslang. 20 Sa kagustuhang mapalaya si Jesus, muling nagsalita sa kanila si Pilato. 21 Subalit nagsigawan ang mga tao, “Ipako siya sa krus! Ipako siya sa krus!” 22 Kaya't nagsalita siya sa kanila sa ikatlong pagkakataon, “Bakit? Ano'ng ginawang masama ng taong ito? Wala akong matagpuang sala sa kanya na karapat-dapat sa parusang kamatayan. Kaya matapos ko siyang ipahagupit, siya'y aking palalayain.” 23 Ngunit patuloy silang nagsigawan at nagpilit hinging ipako sa krus si Jesus. At nanaig ang kanilang mga tinig. 24 Kaya't ipinasya ni Pilato na pagbigyan ang kanilang kahilingan. 25 Pinalaya niya ang taong kanilang hiniling, ang nabilanggo dahil sa paghihimagsik at pagpaslang, at ibinigay niya si Jesus sa kanila gaya ng kanilang nais.

Ipinako sa Krus si Jesus(C)

26 Habang dinadala nila si Jesus, hinuli nila si Simon na taga-Cirene na galing noon sa bukid at ipinapasan sa kanya ang krus upang dalhin kasunod ni Jesus. 27 Sinusundan si Jesus ng napakaraming mga tao, kabilang ang mga babaing nagdadalamhati at nananaghoy para sa kanya. 28 Lumingon sa kanila si Jesus at sinabi, “Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ako ang iyakan ninyo kundi ang inyong mga sarili at inyong mga anak. 29 Sapagkat tiyak na darating ang mga araw kung kailan sasabihin nila, ‘Pinagpala ang mga baog at ang mga sinapupunang hindi nagdalang-tao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.’ 30 Sa sandaling iyon ay magsisimula silang magsabi sa mga bundok, ‘Gumuho kayo sa amin!’ at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’ 31 Sapagkat kung ginawa nila ang mga ito sa sariwang kahoy, ano ang mangyayari kung ito ay tuyo?”

32 Dalawa pang salarin ang kanilang dinala upang pataying kasama ni Jesus. 33 Nang dumating sila sa lugar na tinatawag na Bungo, doon nila siya ipinako sa krus kasama ng mga salarin, isa sa kanan at isa sa kaliwa. 34 [At sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”][b] Nagpalabunutan ang mga kawal upang paghatian ang kanyang damit. 35 Nakatayong nanonood ang mga tao. Ngunit nilibak naman siya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi nila, “Iniligtas niya ang iba; iligtas naman niya ang kanyang sarili kung siya nga ang Cristo na hinirang ng Diyos!” 36 Nilibak din siya ng mga kawal, nilalapitan siya at inaalok ng maasim na alak. 37 Sinabi nila, “Kung ikaw nga ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.” 38 May nakasulat din sa kanyang ulunan: “Ito ang Hari ng mga Judio.” 39 Isa sa mga salaring nakapako ang nagpatuloy sa paglait sa kanya. Sinabi nito, “Hindi ba't ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili; iligtas mo rin kami.” 40 Ngunit sinaway siya ng isa, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos gayong ikaw ay pinarurusahan din gaya niya? 41 Tama lang tayong maparusahan sapagka't dapat nating pagbayaran ang ating ginawa; ngunit ang taong ito ay walang ginawang masama.” 42 At sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong kaharian.” 43 Sumagot si Jesus, “Tinitiyak ko sa iyo, ngayon di'y makakasama kita sa Paraiso.”

Ang Kamatayan ni Jesus(D)

44 Noon ay magtatanghaling-tapat na,[c] at ang buong lupain ay nabalot ng dilim hanggang ikatlo ng hapon.[d] 45 Nawalan ng liwanag ang araw at ang tabing ng templo ay nahati sa dalawa. 46 Sumigaw nang malakas si Jesus, “Ama, sa iyong mga kamay, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito'y nalagutan siya ng hininga. 47 Nang makita ng kapitan ng mga kawal ang nangyari, pinuri niya ang Diyos at sinabi, “Tunay ngang matuwid ang taong ito!” 48 At nang makita ng lahat ng mga taong nagkakatipon doon ang nangyaring ito ay umuwi silang matindi ang kalungkutan. 49 Ngunit ang lahat ng mga kakilala niya, kabilang ang ilang kababaihan ay nakatayo sa di-kalayuan at pinagmamasdan ang mga pangyayari.

Ang Paglilibing kay Jesus(E)

50 May isang lalaking mabuti at matuwid na ang pangalan ay Jose, na bagama't kabilang sa Sanhedrin, 51 ay hindi sang-ayon sa kanilang kapasyahan at ginawa. Siya ay taga-Arimatea, isang bayan ng mga Judio, at naghihintay siya sa paghahari ng Diyos. 52 Lumapit ang taong ito kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus. 53 Ibinaba niya ang bangkay, binalot sa telang lino at inilagay sa isang libingang inuka sa bato. Doon ay wala pang naililibing. 54 Noon ay araw ng Paghahanda at malapit na ang Sabbath. 55 Sumunod kay Jose ang mga babaing sumama kay Jesus mula sa Galilea. Nakita nila ang libingan at kung paano inilagay ang kanyang bangkay. 56 Pagkatapos, umuwi sila at naghanda ng mga pabango at mira. Nang dumating ang Sabbath ay nagpahinga sila ayon sa Kautusan.

Footnotes

  1. Lucas 23:17 Sa ibang manuskrito ay wala ang bahaging ito.
  2. Lucas 23:34 Sa ibang naunang manuskrito ay wala ang bahaging ito.
  3. Lucas 23:44 Sa Griyego, mag-iikaanim na oras na.
  4. Lucas 23:44 Sa Griyego, ikasiyam na oras.

23 At nagsitindig ang buong kapulungan (A)nila, at dinala siya sa harap ni Pilato.

At nangagpasimula silang isumbong siya, na sinasabi, Nasumpungan namin ang taong ito na pinasasama ang aming bansa, at (B)ipinagbabawal na bumuwis kay Cesar, at sinasabi (C)na siya rin nga ang Cristo, ang hari.

At tinanong siya ni Pilato, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sumagot siya at sinabi, Ikaw ang nagsasabi.

At sinabi ni Pilato sa mga pangulong saserdote at sa mga karamihan, (D)Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito.

Datapuwa't sila'y lalong nangagpipilit na sinasabi, Ginugulo niya ang bayan, na nagtuturo sa buong Judea, magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito.

Datapuwa't nang ito'y marinig ni Pilato, ay itinanong niya kung ang taong yaon ay Galileo.

At nang maunawa na siya'y (E)nasasakop ni Herodes, ay ipinadala niya siya kay Herodes, na nang mga araw na yaon ay nasa Jerusalem din naman.

Nang makita nga ni Herodes si Jesus, ay nagalak siyang lubha: sapagka't malaon nang hinahangad niya na makita siya, sapagka't siya'y nakabalita tungkol sa kaniya; at siya'y naghihintay na makakita ng ilang himalang gawa niya.

At tinanong niya siya ng maraming salita; datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anoman.

10 At ang mga pangulong saserdote at mga eskriba ay nagsitindig, na isinusumbong siyang mainam.

11 At si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya, at siya'y nilibak, (F)at sinuutan siya ng maringal na damit, at ipinabalik siya kay Pilato.

12 At nang araw ding yaon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato: sapagka't dating sila'y nagkakagalit.

13 At tinipon ni Pilato ang mga pangulong saserdote, at ang mga pinuno at ang bayan,

14 At sinabi sa kanila, Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nagpapasama sa bayan: at narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, ay wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito, tungkol sa mga bagay na isinusumbong ninyo laban sa kaniya;

15 Wala, kahit si Herodes man; sapagka't siya'y ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya.

16 Siya nga'y aking parurusahan, at siya'y pawawalan.[a](G)

18 Datapuwa't silang lahat ay nagsisigawang paminsan, na nangagsabi, Alisin mo ang taong ito, at pawalan mo sa amin si Barrabas:

19 Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan, at sa (H)pagpatay.

20 At si Pilato'y nagsalitang muli sa kanila, sa pagnanais na pawalan si Jesus;

21 Datapuwa't sila'y nagsigawan, na sinasabi, Ipako sa krus, ipako siya sa krus.

22 At kaniyang sinabi sa kanila, (I)na bilang ikatlo, Bakit, anong masama ang ginawa ng taong ito? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya: parurusahan ko nga siya, at siya'y pawawalan.

23 Datapuwa't pinipilit nilang hingin sa malalakas na tinig, na siya'y ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig.

24 At hinatulan ni Pilato na gawin ang kanilang hinihingi,

25 At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, na siyang kanilang hiningi; datapuwa't ibinigay si Jesus sa kalooban nila.

26 At nang siya'y kanilang dalhin (J)ay kanilang pinigil ang isang Simong taga Cirene, na nanggaling sa bukid, at ipinasan sa kaniya ang krus, upang dalhin sa likuran ni Jesus.

27 At siya'y sinusundan ng isang makapal na karamihan sa bayan, at ng mga babaing nagiiyakan at nananambitan dahil sa kaniya.

28 Datapuwa't paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi, Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak.

29 Sapagka't (K)narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyang kailan ma'y hindi nangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso.

30 Kung magkagayon (L)ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; at sa mga burol, Takpan ninyo kami.

31 Sapagka't kung ginagawa ang mga bagay na ito sa (M)punong kahoy na sariwa, (N)ano kaya ang gagawin sa tuyo?

32 At dinala rin naman na (O)kasama niya, ang dalawang tampalasan, upang patayin.

33 At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.

34 At sinabi ni Jesus, (P)Ama, (Q)patawarin mo sila; sapagka't (R)hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At (S)sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan.

35 At nakatayong nanonood (T)ang bayan. At tinutuya naman siya (U)ng mga pinuno, na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; iligtas niya ang kaniyang sarili, kung ito ang Cristo ng Dios, ang hinirang niya.

36 At nililibak rin naman siya ng mga kawal, na nagsisilapit sa kaniya, na dinudulutan siya ng suka,

37 At sinabi, Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.

38 At (V)mayroon naman sa itaas niya na isang pamagat, ITO'Y ANG HARI NG MGA JUDIO.

39 At siya'y inalipusta ng (W)isa sa mga tampalasang nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami.

40 Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan?

41 At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama.

42 At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.

43 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa (X)Paraiso.

44 At nang may oras na ikaanim na, ay nagdilim sa ibabaw ng buong lupa, hanggang sa oras na ikasiyam,

45 (Y)At nagdilim ang araw: at nahapak sa gitna (Z)ang tabing ng templo.

46 At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, (AA)Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga.

47 At nang (AB)makita ng senturion ang nangyari, ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi, Tunay na ito'y isang taong matuwid.

48 At ang lahat ng mga karamihang nangagkatipon sa panonood nito, pagkakita nila sa mga bagay na nangyari ay (AC)nangagsiuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib.

49 At ang lahat ng mga kakilala niya (AD)at ang mga babaing sa kaniya'y nagsisunod buhat sa Galilea, at nangasa malayo na pinagmamasdan ang mga bagay na ito.

50 At narito ang isang lalaking (AE)nagngangalang Jose, na isang kasangguni, isang lalaking mabuti at matuwid

51 (Siya'y hindi umayon sa kanilang payo at gawa), isang lalaking taga Arimatea, bayan ng mga Judio, (AF)na naghihintay ng kaharian ng Dios;

52 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato: at hiningi ang bangkay ni Jesus.

53 At ito'y ibinababa niya, at binalot ng isang kayong lino, at inilagay sa isang libingang hinukay sa bato, (AG)na doo'y wala pang nalilibing.

54 At noo'y araw ng (AH)Paghahanda, at nalalapit na ang sabbath.

55 At ang mga babae, (AI)na nagsisama sa kaniya mula sa Galilea, ay nagsisunod, at tiningnan ang libingan, at kung paano ang pagkalagay ng kaniyang bangkay.

56 At sila'y nagsiuwi, at nangaghanda ng mga pabango at mga unguento.

At nang araw ng sabbath sila'y nangagpahinga (AJ)ayon sa utos.

Footnotes

  1. Lucas 23:16 Sa ibang mga Kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 17 Kinakailangan nga niyang sa kanila'y magpakawala ng isang bilanggo sa kapistahan.

23 At nagsitindig ang buong kapulungan nila, at dinala siya sa harap ni Pilato.

At nangagpasimula silang isumbong siya, na sinasabi, Nasumpungan namin ang taong ito na pinasasama ang aming bansa, at ipinagbabawal na bumuwis kay Cesar, at sinasabi na siya rin nga ang Cristo, ang hari.

At tinanong siya ni Pilato, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sumagot siya at sinabi, Ikaw ang nagsasabi.

At sinabi ni Pilato sa mga pangulong saserdote at sa mga karamihan, Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito.

Datapuwa't sila'y lalong nangagpipilit na sinasabi, Ginugulo niya ang bayan, na nagtuturo sa buong Judea, magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito.

Datapuwa't nang ito'y marinig ni Pilato, ay itinanong niya kung ang taong yaon ay Galileo.

At nang maunawa na siya'y nasasakop ni Herodes, ay ipinadala niya siya kay Herodes, na nang mga araw na yaon ay nasa Jerusalem din naman.

Nang makita nga ni Herodes si Jesus, ay nagalak siyang lubha: sapagka't malaon nang hinahangad niya na makita siya, sapagka't siya'y nakabalita tungkol sa kaniya; at siya'y naghihintay na makakita ng ilang himalang gawa niya.

At tinanong niya siya ng maraming salita; datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anoman.

10 At ang mga pangulong saserdote at mga eskriba ay nagsitindig, na isinusumbong siyang mainam.

11 At si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya, at siya'y nilibak, at sinuutan siya ng maringal na damit, at ipinabalik siya kay Pilato.

12 At nang araw ding yaon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato: sapagka't dating sila'y nagkakagalit.

13 At tinipon ni Pilato ang mga pangulong saserdote, at ang mga pinuno at ang bayan,

14 At sinabi sa kanila, Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nagpapasama sa bayan: at narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, ay wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito, tungkol sa mga bagay na isinusumbong ninyo laban sa kaniya;

15 Wala, kahit si Herodes man; sapagka't siya'y ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya.

16 Siya nga'y aking parurusahan, at siya'y pawawalan.

17 Kinakailangan nga niyang sa kanila'y magpakawala ng isang bilanggo sa kapistahan.

18 Datapuwa't silang lahat ay nagsisigawang paminsan, na nangagsabi, Alisin mo ang taong ito, at pawalan mo sa amin si Barrabas:

19 Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan, at sa pagpatay.

20 At si Pilato'y nagsalitang muli sa kanila, sa pagnanais na pawalan si Jesus;

21 Datapuwa't sila'y nagsigawan, na sinasabi, Ipako sa krus, ipako siya sa krus.

22 At kaniyang sinabi sa kanila, na bilang ikatlo, Bakit, anong masama ang ginawa ng taong ito? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya: parurusahan ko nga siya, at siya'y pawawalan.

23 Datapuwa't pinipilit nilang hingin sa malalakas na tinig, na siya'y ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig.

24 At hinatulan ni Pilato na gawin ang kanilang hinihingi,

25 At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, na siyang kanilang hiningi; datapuwa't ibinigay si Jesus sa kalooban nila.

26 At nang siya'y kanilang dalhin ay kanilang pinigil ang isang Simong taga Cirene, na nanggaling sa bukid, at ipinasan sa kaniya ang krus, upang dalhin sa likuran ni Jesus.

27 At siya'y sinusundan ng isang makapal na karamihan sa bayan, at ng mga babaing nagiiyakan at nananambitan dahil sa kaniya.

28 Datapuwa't paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi, Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak.

29 Sapagka't narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyang kailan ma'y hindi nangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso.

30 Kung magkagayon ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; at sa mga burol, Takpan ninyo kami.

31 Sapagka't kung ginagawa ang mga bagay na ito sa punong kahoy na sariwa, ano kaya ang gagawin sa tuyo?

32 At dinala rin naman na kasama niya, ang dalawang tampalasan, upang patayin.

33 At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.

34 At sinabi ni Jesus, Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan.

35 At nakatayong nanonood ang bayan. At tinutuya naman siya ng mga pinuno, na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; iligtas niya ang kaniyang sarili, kung ito ang Cristo ng Dios, ang hinirang niya.

36 At nililibak rin naman siya ng mga kawal, na nagsisilapit sa kaniya, na dinudulutan siya ng suka,

37 At sinabi, Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.

38 At mayroon naman sa itaas niya na isang pamagat, ITO'Y ANG HARI NG MGA JUDIO.

39 At siya'y inalipusta ng isa sa mga tampalasang nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami.

40 Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan?

41 At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama.

42 At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.

43 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso.

44 At nang may oras na ikaanim na, ay nagdilim sa ibabaw ng buong lupa, hanggang sa oras na ikasiyam,

45 At nagdilim ang araw: at nahapak sa gitna ang tabing ng templo.

46 At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga.

47 At nang makita ng senturion ang nangyari, ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi, Tunay na ito'y isang taong matuwid.

48 At ang lahat ng mga karamihang nangagkatipon sa panonood nito, pagkakita nila sa mga bagay na nangyari ay nangagsiuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib.

49 At ang lahat ng mga kakilala niya at ang mga babaing sa kaniya'y nagsisunod buhat sa Galilea, at nangasa malayo na pinagmamasdan ang mga bagay na ito.

50 At narito ang isang lalaking nagngangalang Jose, na isang kasangguni, isang lalaking mabuti at matuwid:

51 (Siya'y hindi umayon sa kanilang payo at gawa), isang lalaking taga Arimatea, bayan ng mga Judio, na naghihintay ng kaharian ng Dios;

52 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato: at hiningi ang bangkay ni Jesus.

53 At ito'y ibinababa niya, at binalot ng isang kayong lino, at inilagay sa isang libingang hinukay sa bato, na doo'y wala pang nalilibing.

54 At noo'y araw ng Paghahanda, at nalalapit na ang sabbath.

55 At ang mga babae, na nagsisama sa kaniya mula sa Galilea, ay nagsisunod, at tiningnan ang libingan, at kung paano ang pagkalagay ng kaniyang bangkay.

56 At sila'y nagsiuwi, at nangaghanda ng mga pabango at mga unguento. At nang araw ng sabbath sila'y nangagpahinga ayon sa utos.

Isus înaintea lui Pilat şi a lui Irod

23 Toţi cei din adunarea lor s-au ridicat şi L-au dus pe Isus la Pilat. Ei au început să-L acuze zicând: „Pe Acesta L-am găsit pervertindu-ne neamul, interzicând a se da tribut Cezarului[a] şi zicând despre Sine că este Cristos, un Împărat!“ Pilat L-a întrebat:

– Eşti Tu Împăratul iudeilor?

Isus i-a răspuns:

– Este aşa cum spui.

Pilat le-a zis conducătorilor preoţilor şi mulţimilor:

– Eu nu găsesc nimic vinovat în Omul Acesta!

Dar ei au insistat şi au zis:

– Întărâtă poporul, dând învăţătură prin toată Iudeea[b], din Galileea, de unde a început, şi până aici!

Când a auzit acest lucru, Pilat a întrebat dacă Omul este galileean şi, aflând că este sub autoritatea lui Irod[c], L-a trimis la Irod, care se afla şi el în Ierusalim în zilele acelea. Irod s-a bucurat foarte mult când L-a văzut pe Isus, pentru că de multă vreme dorea să-L vadă, din pricina a ceea ce auzise despre El, şi spera să-L vadă înfăptuind vreun semn. I-a pus multe întrebări, dar Isus nu i-a răspuns nimic[d]. 10 Conducătorii preoţilor şi cărturarii stăteau acolo, acuzându-L cu vehemenţă. 11 Irod împreună cu soldaţii lui L-au tratat cu dispreţ şi, după ce şi-au bătut joc de El, L-au îmbrăcat într-o haină strălucitoare[e] şi L-au trimis înapoi la Pilat. 12 În ziua aceea, Irod şi Pilat s-au împrietenit unul cu altul, căci înainte fuseseră în duşmănie unul faţă de celălalt.

13 Pilat i-a chemat laolaltă pe conducătorii preoţilor, pe conducători şi pe popor 14 şi le-a zis:

– Mi L-aţi adus pe Omul Acesta, ca pe Unul Care duce în rătăcire poporul. Şi iată că eu L-am cercetat înaintea voastră, dar n-am găsit în Omul Acesta nici un lucru de care să fie vinovat, aşa cum L-aţi acuzat voi. 15 Şi nici Irod nu L-a găsit vinovat, pentru că ni L-a trimis înapoi. Iată deci că n-a făcut nimic vrednic de moarte. 16 Aşadar, după ce-L voi pedepsi, Îl voi elibera!

17 (El trebuia să le elibereze pe cineva cu ocazia sărbătorii.)[f]

18 Însă ei au strigat cu toţii:

– La o parte cu Acesta! Eliberează-ni-l pe Baraba!

19 Acesta fusese aruncat în închisoare pentru o răscoală care avusese loc în cetate şi pentru crimă. 20 Pilat le-a vorbit din nou, vrând să-L elibereze pe Isus, 21 însă ei strigau:

– Răstigneşte-L![g] Răstigneşte-L!

22 El le-a zis a treia oară:

– Dar ce rău a făcut Acesta? Eu n-am găsit în El nici un lucru vrednic de moarte! Aşadar, după ce-L voi pedepsi, Îl voi elibera!

23 Dar ei au continuat să strige tot mai tare şi să-i ceară să fie răstignit. Şi strigătele lor (şi ale conducătorilor preoţilor)[h] au biruit. 24 Pilat a decis să li se îndeplinească cererea. 25 L-a eliberat, aşa cum cereau ei, pe cel care fusese aruncat în închisoare pentru răscoală şi crimă, iar pe Isus L-a dat pe mâna lor, ca să-i facă după cum doresc.

Răstignirea

26 În timp ce-L duceau de-acolo, l-au apucat pe Simon, un om din Cirena, care venea de la câmp, şi i-au pus crucea în spinare ca s-o ducă după Isus. 27 Pe Isus Îl urma o mare mulţime de oameni, printre care şi nişte femei care se băteau în piept şi-L jeleau. 28 Dar Isus S-a întors către ele şi le-a zis: „Fiice ale Ierusalimului, nu Mă plângeţi pe Mine, ci plângeţi-vă pe voi şi pe copiii voştri! 29 Căci iată, vin zile în care se va spune: «Ferice de cele sterpe, de pântecele care n-au născut şi de sânii care n-au alăptat!»

30 Atunci vor începe să zică munţilor: «Cădeţi peste noi!»
    şi dealurilor: «Acoperiţi-ne!»[i]

31 Căci dacă i se fac aceste lucruri copacului verde, ce se va întâmpla cu cel uscat?!“

32 Au fost aduşi şi doi răufăcători ca să fie executaţi împreună cu El. 33 Când au ajuns în locul numit „Craniul“[j], i-au răstignit acolo pe Isus şi pe răufăcători, unul la dreapta şi unul la stânga.[k] 34 (Isus zicea: „Tată, iartă-i, căci nu ştiu ce fac!“)[l]

Au tras la sorţi ca să-şi împartă hainele Lui între ei.[m] 35 Poporul stătea acolo şi se uita. Conducătorii îşi băteau joc de El, zicând: „Pe alţii i-a salvat; să Se salveze şi pe Sine dacă este Cristosul lui Dumnezeu, Alesul!“ 36 Soldaţii, de asemenea, îşi băteau joc de El; ei veneau, Îi ofereau vin acru[n] 37 şi ziceau: „Dacă Tu eşti Împăratul iudeilor, salvează-Te pe Tine Însuţi!“ 38 Deasupra Lui era o inscripţie (cu litere greceşti, latineşti şi aramaice)[o]: „Acesta este Împăratul iudeilor.“

39 Unul dintre răufăcătorii care fuseseră răstigniţi Îl insulta zicând: „Nu eşti Tu Cristosul?[p] Salvează-Te pe Tine şi salvează-ne şi pe noi!“ 40 Celălalt însă l-a mustrat zicând: „Nu te temi de Dumnezeu, tu, care eşti sub aceeaşi sentinţă? 41 Pentru noi, într-adevăr, este drept, căci noi primim ceea ce merităm pentru ce-am săvârşit, dar Acesta n-a săvârşit nimic rău!“

42 Apoi a zis:

– Isuse, adu-Ţi aminte de mine când vii în Împărăţia Ta!

43 Isus i-a răspuns:

– Adevărat îţi spun, astăzi vei fi cu Mine în Rai![q]

Moartea lui Isus

44 Era deja cam pe la ceasul al şaselea[r]. Şi s-a făcut întuneric peste toată ţara până pe la ceasul al nouălea[s]. 45 Soarele s-a întunecat, iar draperia[t] Templului a fost despicată la mijloc. 46 Isus a strigat cu glas tare: „Tată, în mâinile Tale Îmi încredinţez duhul!“[u] Şi spunând aceasta, Şi-a dat suflarea. 47 Când centurionul[v] a văzut ce se întâmplase, L-a slăvit pe Dumnezeu şi a zis: „Într-adevăr Omul Acesta era un Om drept[w]!“ 48 Toate mulţimile care se adunaseră în faţa acestei privelişti, văzând ce se întâmplă, s-au întors bătându-şi piepturile. 49 Toţi cunoscuţii Lui, inclusiv femeile care-L însoţiseră din Galileea, stăteau la distanţă şi se uitau la aceste lucruri.

Înmormântarea lui Isus

50 Şi iată că era un om pe nume Iosif, un sfetnic în Sinedriu, om bun şi drept, 51 care nu fusese[x] de acord cu planul şi acţiunea lor. Era din Arimateea, o cetate a iudeilor, şi aştepta şi el Împărăţia lui Dumnezeu. 52 Acesta a venit la Pilat şi i-a cerut trupul lui Isus. 53 După ce I-a dat jos trupul, L-a înfăşurat într-o pânză de in şi L-a pus într-un mormânt săpat în stâncă, în care nu mai fusese pus nimeni. 54 Era Ziua Pregătirii şi începea Sabatul. 55 Femeile, cele care veniseră împreună cu El din Galileea, s-au luat după Iosif şi au văzut mormântul şi cum a fost pus trupul lui Isus. 56 Ele s-au întors şi au pregătit miresme şi uleiuri aromate. Apoi, în ziua de Sabat, s-au odihnit, potrivit poruncii.

Footnotes

  1. Luca 23:2 Vezi nota de la 2:1
  2. Luca 23:5 Vezi nota de la 7:17
  3. Luca 23:7 Vezi nota de la 3:1
  4. Luca 23:9 O posibilă aluzie la Is. 53:7
  5. Luca 23:11 Una de paradă, probabil de culoare albă sau roşie
  6. Luca 23:17 Multe din cele mai importante mss nu conţin acest verset, care cel mai probabil a fost adăugat pe baza lui Mt. 27:15 şi Mc. 15:6
  7. Luca 23:21 M. Tullius Cicero (106-43 î.Cr.), orator şi politician roman, spunea despre răstignire că este „o pedeapsă crudă şi înjositoare“ (Contra lui Veres, 2.5.63), iar Josefus spunea că este „cea mai nemiloasă moarte“ (Răzb., 7.6.4)
  8. Luca 23:23 Cele mai importante mss nu conţin aceste cuvinte
  9. Luca 23:30 Vezi Osea 10:8
  10. Luca 23:33 Lat.: Calvariae, de unde avem cuvântul românesc calvar
  11. Luca 23:33 Vezi 22:37 şi nota
  12. Luca 23:34 Multe dintre cele mai importante mss nu conţin acest verset
  13. Luca 23:34 Vezi Ps. 22:18
  14. Luca 23:36 Un vin de calitate inferioară, numit posca, diluat foarte tare cu apă, băutură pe care o consumau de obicei sclavii şi soldaţii
  15. Luca 23:38 Multe dintre cele mai importante mss nu conţin aceste cuvinte
  16. Luca 23:39 Cf. celor mai importante mss; cele mai multe mss, unele importante, conţin: Dacă eşti Tu Cristosul,
  17. Luca 23:43 Sau: Adevărat, îţi spun, astăzi: vei fi cu mine în Rai!
  18. Luca 23:44 Ora 12:00
  19. Luca 23:44 Ora 15:00
  20. Luca 23:45 Gr.: katapetasma, cea care despărţea Locul Sfânt de Locul Preasfânt; pentru semnificaţia acestui eveniment, vezi Evrei 9:1-14; 10:14-22
  21. Luca 23:46 Vezi Ps. 31:5
  22. Luca 23:47 Vezi nota de la 7:2
  23. Luca 23:47 Sau: nevinovat
  24. Luca 23:51 Multe mss conţin: care nu era