Add parallel Print Page Options

Tinanong ang Awtoridad ni Jesus(A)

20 Isang araw, samantalang tinuturuan ni Jesus[a] ang mga taong-bayan sa templo at ipinangangaral ang magandang balita, lumapit ang mga pari at ang mga eskriba na kasama ang matatanda.

At sinabi nila sa kanya, “Sabihin mo sa amin, sa anong awtoridad mo ginagawa ang mga bagay na ito? O sino ang nagbigay sa iyo ng awtoridad na ito?”

Siya'y sumagot sa kanila, “Tatanungin ko rin kayo ng isang tanong, at sabihin ninyo sa akin:

Ang bautismo ba ni Juan ay mula sa langit, o mula sa mga tao?”

At sila'y nag-usapan sa isa't isa na sinasabi, “Kung sasabihin natin, ‘Mula sa langit,’ ay sasabihin niya, ‘Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?’

Subalit kung sasabihin natin, ‘Mula sa mga tao,’ ay babatuhin tayo ng mga taong-bayan, sapagkat sila'y napapaniwala na si Juan ay isang propeta.”

Kaya't sila'y sumagot na hindi nila nalalaman kung saan iyon nagmula.

At sinabi sa kanila ni Jesus, “Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong awtoridad ko ginagawa ang mga bagay na ito.”

Ang Talinghaga ng mga Magsasaka sa Ubasan(B)

At(C) sinimulan niyang isalaysay sa taong-bayan ang talinghagang ito: “Isang tao ang nagtanim ng ubasan. Ipinagkatiwala niya ito sa mga magsasaka, at pumunta sa ibang lupain nang mahabang panahon.

10 Nang dumating ang panahon ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka upang siya'y bigyan mula sa bunga ng ubasan, subalit binugbog siya ng mga magsasaka, at pinaalis na walang dala.

11 Nagsugo siya ng isa pang alipin, subalit ito'y kanilang binugbog din at hiniya, at pinaalis na walang dala.

12 At nagsugo pa siya ng ikatlo. Ito ay kanilang sinugatan at pinagtabuyan.

13 Pagkatapos ay sinabi ng panginoon ng ubasan, ‘Anong gagawin ko? Susuguin ko ang minamahal kong anak, baka siya'y igagalang nila.’

14 Subalit nang makita siya ng mga magsasaka ay sinabi nila sa kanilang mga sarili, ‘Ito ang tagapagmana, patayin natin siya upang ang mana ay maging atin.’

15 Kaya't kanilang itinapon siya sa labas ng ubasan at pinatay. Ano kaya ang gagawin sa kanila ng panginoon ng ubasan?

16 Siya'y darating at pupuksain niya ang mga magsasakang ito, at ibibigay ang ubasan sa iba.” At nang marinig nila ito ay sinabi nila, “Huwag nawang mangyari.”

17 Subalit(D) tumingin siya sa kanila at sinabi, “Ano nga itong nasusulat,

‘Ang batong itinakuwil ng mga tagapagtayo
ay siyang naging batong panulok?’

18 Ang bawat mahulog sa ibabaw ng batong ito ay magkakadurug-durog, at dudurugin nito ang sinumang mabagsakan nito.”

19 Pinagsikapan siyang pagbuhatan ng kamay sa oras na iyon ng mga eskriba at ng mga punong pari, sapagkat nahalata nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila, subalit sila'y natakot sa taong-bayan.

Ang Katanungan tungkol sa Pagbabayad ng Buwis(E)

20 Kaya't siya'y minatyagan nila at nagsugo ng mga espiya na nagkunwaring matatapat, upang siya'y hulihin sa kanyang salita, para siya'y maibigay sa mga pinuno at awtoridad ng gobernador.

21 At kanilang tinanong siya, “Guro, nalalaman namin na ikaw ay nagsasabi at nagtuturo ng matuwid at wala kang pinapanigang tao, kundi itinuturo mo ayon sa katotohanan ang daan ng Diyos.

22 Nararapat bang kami ay magbuwis kay Cesar, o hindi?”

23 Subalit batid niya ang kanilang katusuhan at sinabi sa kanila,

24 “Ipakita ninyo sa akin ang isang denario. Kanino ang larawan at ang nakasulat dito?” At sinabi nila, “Kay Cesar.”

25 At sinabi niya sa kanila, “Kung gayo'y ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos.”

26 At hindi nila nagawang hulihin siya sa kanyang salita sa harap ng mga taong-bayan. At sa pagkamangha nila sa kanyang sagot sila ay tumahimik.

Ang Muling Pagkabuhay ng mga Patay(F)

27 May(G) lumapit sa kanyang ilang Saduceo, na nagsasabing walang muling pagkabuhay.

28 At(H) kanilang tinanong siya, “Guro, isinulat ni Moises para sa amin na kung ang kapatid na lalaki ng isang tao ay mamatay, na may iniwang asawa subalit walang anak, pakakasalan ng lalaki ang balo at bibigyan ng anak ang kanyang kapatid.

29 Ngayon, mayroong pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak;

30 gayundin ang pangalawa;

31 at pinakasalan ng pangatlo ang babae, at namatay ang pito na pawang walang iniwang anak.

32 Pagkatapos ay namatay naman ang babae.

33 Kaya't sa muling pagkabuhay, sino ang magiging asawa ng babaing iyon sapagkat siya'y naging asawa ng pito.

34 At sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang mga anak ng panahong ito ay nag-aasawa at pinag-aasawa,

35 subalit ang mga itinuturing na karapat-dapat makaabot sa panahong iyon at sa muling pagkabuhay mula sa mga patay, ay hindi nag-aasawa o pinag-aasawa.

36 Hindi na sila mamamatay pa, sapagkat katulad na sila ng mga anghel at sila'y mga anak ng Diyos, palibhasa'y mga anak ng muling pagkabuhay.

37 Subalit(I) ang tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay ay ipinakita maging ni Moises sa kasaysayan tungkol sa mababang punungkahoy, na doon ay tinawag niya ang Panginoon na Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob.

38 Ngunit siya'y hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buháy, sapagkat sa kanya silang lahat ay nabubuhay.”

39 At ang ilan sa mga eskriba ay sumagot, “Guro, mahusay ang iyong pagsagot.”

40 Sapagkat hindi na sila nangahas magtanong pa sa kanya ng anuman.

Mga Tanong tungkol sa Anak ni David(J)

41 Kaya't sinabi niya sa kanila, “Paano nila nasasabi na ang Cristo ay anak ni David?

42 Gayong(K) si David mismo ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit,

‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
“Maupo ka sa aking kanan,
43     hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tuntungan ng iyong mga paa.”’

44 Tinatawag siya ni David na Panginoon, kaya't paanong siya'y naging anak niya?”

Ang Babala tungkol sa mga Eskriba(L)

45 At sa pandinig ng lahat ng mga tao ay sinabi niya sa kanyang mga alagad,

46 “Mag-ingat kayo sa mga eskriba na nagnanais lumakad na may mahahabang damit, at gustung-gusto ang mga pagpupugay sa mga pamilihan, ang pangunahing upuan sa mga sinagoga, at ang mga mararangal na lugar sa mga handaan.

47 Nilalamon nila ang mga bahay ng mga balo, at sa pagkukunwari ay nananalangin sila ng mahahaba. Sila ay tatanggap ng lalong malaking kahatulan.”

Footnotes

  1. Lucas 20:1 Sa Griyego ay niya .

20 At nangyari, sa isa sa mga araw, samantalang tinuturuan niya ang bayan sa templo, at ipinangangaral ang evangelio, na nagsilapit sa kaniya ang mga saserdote, at ang mga eskriba pati ng matatanda;

At sila'y nangagsalita, na nangagsasabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin: Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? o sino ang nagbigay sa iyo ng kapamahalaang ito?

At siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Tatanungin ko naman kayo ng isang tanong; at sabihin ninyo sa akin:

Ang bautismo ni Juan, ay mula baga sa langit, o sa mga tao?

At sila'y nangagkatuwiranan, na nangagsasabi, Kung sabihin natin, Mula sa langit; ay sasabihin niya, Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?

Datapuwa't kung sabihin natin, Mula sa mga tao; ay babatuhin tayo ng buong bayan, sapagka't sila'y nanganiniwala na si Juan ay propeta.

At sila'y nagsisagot, na hindi nila nalalaman kung saan mula.

At sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.

At siya'y nagpasimulang magsabi sa bayan ng talinghagang ito: Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at ipinagkatiwala sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain na mahabang panahon.

10 At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang siya'y bigyan ng bunga ng ubas: datapuwa't hinampas siya ng mga magsasaka, at pinauwing walang dala.

11 At nagsugo pa siya ng ibang alipin: at ito nama'y kanilang hinampas, at inalimura, at pinauwing walang dala.

12 At nagsugo pa siya ng ikatlo: at kanila ring sinugatan ito, at pinalayas.

13 At sinabi ng panginoon ng ubasan, Anong gagawin ko? aking susuguin ang minamahal kong anak; marahil siya'y igagalang nila.

14 Datapuwa't nang makita siya ng mga magsasaka, ay nangagsangusapan sila, na sinasabi, Ito ang tagapagmana; atin siyang patayin upang ang mana ay maging atin.

15 At itinaboy nila siya sa ubasan, at pinatay siya. Ano nga kaya ang gagawin sa kanila ng panginoon ng ubasan?

16 Paroroon siya at pupuksain niya ang mga magsasakang ito, at ibibigay ang ubasan sa mga iba. At nang marinig nila ito, ay sinabi nila, Huwag nawang mangyari.

17 Datapuwa't kaniyang tinitigan sila, at sinabi, Ano nga baga ito na nasusulat, Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali. Ay siya ring ginawang pangulo sa panulok?

18 Ang bawa't mahulog sa ibabaw ng batong yaon ay madudurog; datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay kaniyang pangangalating gaya ng alabok.

19 At pinagsisikapan siyang hulihin sa oras ding yaon ng mga eskriba at ng mga pangulong saserdote; at sila'y nangatatakot sa bayan: sapagka't nahalata nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila.

20 At siya'y inaabangan nila, at sila'y nangagsugo ng mga tiktik, na nangagpakunwaring mga matuwid, upang siya'y mahuli sa kaniyang salita, na siya'y maibigay sa pamiminuno at sa kapamahalaan ng gobernador.

21 At kanilang tinanong siya, na sinasabi, Guro, nalalaman namin na ikaw ay nagsasabi at nagtuturo ng matuwid, at wala kang itinatanging tao, kundi itinuturo mo ang katotohanan ng daan ng Dios.

22 Matuwid bagang kami ay bumuwis kay Cesar, o hindi?

23 Datapuwa't napagkilala niya ang kanilang lalang, at sinabi sa kanila,

24 Pagpakitaan ninyo ako ng isang denario. Kanino ang larawan at ang nasusulat dito? At sinabi nila, Kay Cesar.

25 At sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar, at ang sa Dios ang sa Dios.

26 At sila'y hindi nakahuli sa kaniyang mga pananalita sa harap ng bayan: at sila'y nanganggilalas sa kaniyang sagot, at hindi nangagsiimik.

27 At may lumapit sa kaniyang ilan sa mga Saduceo, na nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli;

28 At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, isinulat sa amin ni Moises, na kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay, na may asawa, at siya'y walang anak, ay kunin ng kaniyang kapatid ang asawa, at bigyang anak ang kaniyang kapatid.

29 Mayroon ngang pitong lalaking magkakapatid: at nagasawa ang panganay, at namatay na walang anak;

30 At ang pangalawa:

31 At ang pangatlo'y nagasawa sa bao; at gayon din ang pito naman ay hindi nagiwan ng mga anak, at nangamatay.

32 Pagkatapos ay namatay naman ang babae.

33 Sa pagkabuhay na maguli nga, kanino sa kanila magiging asawa kaya ang babaing yaon? sapagka't siya'y naging asawa ng pito.

34 At sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisipagasawa ang mga anak ng sanglibutang ito, at pinapagaasawa:

35 Datapuwa't ang mga inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon, at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa, ni papagaasawahin:

36 Sapagka't hindi na sila maaaring mangamatay pa: sapagka't kahalintulad na sila ng mga anghel; at sila'y mga anak ng Dios, palibhasa'y mga anak ng pagkabuhay na maguli.

37 Datapuwa't tungkol sa pagbabangon ng mga patay, ay ipinakilala rin naman ni Moises sa Mababang punong kahoy, nang tinawag niya ang Panginoon na Dios ni Abraham, at Dios ni Isaac, at Dios ni Jacob.

38 Siya nga'y hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay: sapagka't nangabubuhay sa kaniya ang lahat.

39 At pagsagot ng ilan sa mga eskriba, ay nangagsabi, Guro, mabuti ang pagkasabi mo.

40 Sapagka't hindi na nga sila nangahas tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong.

41 At kaniyang sinabi sa kanila, Paanong sinasabi nila na ang Cristo ay anak ni David?

42 Sapagka't si David din ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa aking kanan,

43 Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa.

44 Dahil dito tinatawag siyang Panginoon ni David, at paanong siya'y anak niya?

45 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, na naririnig ng buong bayan,

46 Mangagingat kayo sa mga eskriba na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at iniibig nila ang sila'y pagpugayan sa mga pamilihan, at ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong dako sa mga pigingan;

47 Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing bao, at sa pagpakunwaring banal ay nanalangin ng mahaba: ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.

20 At nangyari, sa (A)isa sa mga araw, samantalang tinuturuan niya ang bayan sa templo, at ipinangangaral ang evangelio, na nagsilapit sa kaniya ang mga saserdote, at ang mga eskriba pati ng matatanda;

At sila'y nangagsalita, na nangagsasabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin: Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? o sino ang nagbigay sa iyo ng kapamahalaang ito?

At siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Tatanungin ko naman kayo ng isang tanong; at sabihin ninyo sa akin:

Ang bautismo ni Juan, ay mula baga sa langit, o sa mga tao?

At sila'y nangagkatuwiranan, na nangagsasabi, Kung sabihin natin, Mula sa langit; ay sasabihin niya, Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?

Datapuwa't kung sabihin natin, Mula sa mga tao; ay babatuhin tayo ng buong bayan, (B)sapagka't sila'y nanganiniwala na si Juan ay propeta.

At sila'y nagsisagot, na hindi nila nalalaman kung saan mula.

At sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.

At siya'y nagpasimulang magsabi sa bayan ng talinghagang ito: (C)Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at ipinagkatiwala sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain na mahabang panahon.

10 At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang siya'y bigyan ng bunga ng ubas: datapuwa't hinampas siya ng mga magsasaka, at pinauwing walang dala.

11 At nagsugo pa siya ng ibang alipin: at ito nama'y kanilang hinampas, at inalimura, at pinauwing walang dala.

12 At nagsugo pa siya ng ikatlo: at kanila ring sinugatan ito, at pinalayas.

13 At sinabi ng panginoon ng ubasan, Anong gagawin ko? aking susuguin ang minamahal kong anak; marahil siya'y igagalang nila.

14 Datapuwa't nang makita siya ng mga magsasaka, ay nangagsangusapan sila, na sinasabi, Ito ang tagapagmana; atin siyang patayin upang ang mana ay maging atin.

15 At itinaboy nila siya sa ubasan, at pinatay siya. Ano nga kaya ang gagawin sa kanila ng panginoon ng ubasan?

16 Paroroon siya at pupuksain niya ang mga magsasakang ito, at ibibigay ang ubasan sa mga iba. At nang marinig nila ito, ay sinabi nila, Huwag nawang mangyari.

17 Datapuwa't kaniyang tinitigan sila, at sinabi, Ano nga baga ito na nasusulat,

(D)Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali.
Ay siya ring ginawang pangulo sa panulok?

18 Ang bawa't mahulog sa ibabaw ng batong yaon ay madudurog; datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay kaniyang pangangalating gaya ng alabok.

19 At (E)pinagsisikapan siyang hulihin sa oras ding yaon ng mga eskriba at ng mga pangulong saserdote; at sila'y nangatatakot sa bayan: sapagka't nahalata nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila.

20 At siya'y inaabangan nila, at (F)sila'y nangagsugo ng mga tiktik, na nangagpakunwaring mga matuwid, upang siya'y mahuli sa kaniyang salita, na siya'y maibigay sa pamiminuno at sa kapamahalaan ng (G)gobernador.

21 At kanilang tinanong siya, na sinasabi, Guro, nalalaman namin na ikaw ay nagsasabi at nagtuturo ng matuwid, at wala kang itinatanging tao, kundi itinuturo mo ang katotohanan ng daan ng Dios.

22 Matuwid bagang kami ay bumuwis kay Cesar, o hindi?

23 Datapuwa't napagkilala niya ang kanilang lalang, at sinabi sa kanila,

24 Pagpakitaan ninyo ako (H)ng isang denario. Kanino ang larawan at ang nasusulat dito? At sinabi nila, Kay Cesar.

25 At sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar, at ang sa Dios ang sa Dios.

26 At sila'y hindi nakahuli sa kaniyang mga pananalita sa harap ng bayan: at sila'y nanganggilalas sa kaniyang sagot, at hindi nangagsiimik.

27 At may lumapit sa kaniyang ilan sa mga Saduceo, na nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli;

28 At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, isinulat sa amin ni Moises, (I)na kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay, na may asawa, at siya'y walang anak, ay kunin ng kaniyang kapatid ang asawa, at bigyang anak ang kaniyang kapatid.

29 Mayroon ngang pitong lalaking magkakapatid: at nagasawa ang panganay, at namatay na walang anak;

30 At ang pangalawa:

31 At ang pangatlo'y nagasawa sa bao; at gayon din ang pito naman ay hindi nagiwan ng mga anak, at nangamatay.

32 Pagkatapos ay namatay naman ang babae.

33 Sa pagkabuhay na maguli nga, kanino sa kanila magiging asawa kaya ang babaing yaon? sapagka't siya'y naging asawa ng pito.

34 At sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisipagasawa ang mga anak ng sanglibutang ito, at pinapagaasawa:

35 Datapuwa't ang mga (J)inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon, at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa, ni papagaasawahin:

36 Sapagka't hindi na sila maaaring mangamatay pa: sapagka't kahalintulad na sila ng mga anghel; at sila'y mga anak ng Dios, palibhasa'y mga anak ng pagkabuhay na maguli.

37 Datapuwa't tungkol sa pagbabangon ng mga patay, (K)ay ipinakilala rin naman ni Moises sa Mababang punong kahoy, nang tinawag niya ang Panginoon na Dios ni Abraham, at Dios ni Isaac, at Dios ni Jacob.

38 Siya nga'y hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay: sapagka't nangabubuhay sa kaniya (L)ang lahat.

39 At pagsagot ng ilan sa mga eskriba, ay nangagsabi, Guro, mabuti ang pagkasabi mo.

40 Sapagka't (M)hindi na nga sila nangahas tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong.

41 (N)At kaniyang sinabi sa kanila, Paanong sinasabi nila na ang Cristo ay anak ni David?

42 Sapagka't si David din ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit,

(O)Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
Maupo ka sa aking kanan,
43 Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa.

44 Dahil dito tinatawag siyang Panginoon ni David, at paanong siya'y anak niya?

45 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, (P)na naririnig ng buong bayan,

46 Mangagingat kayo sa mga eskriba na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at iniibig nila ang sila'y pagpugayan sa mga pamilihan, at ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong dako sa mga pigingan;

47 Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing bao, at sa pagpakunwaring banal ay nanalangin ng mahaba: ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.

Pinag-alinlanganan ang Kapamahalaan ni Jesus

20 Nangyari, na isa sa mga araw na iyon, habang nagtuturo si Jesus sa mga tao sa templo at ipina­ngangaral ang ebanghelyo, pumunta sa kaniyaang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan na kasama nila ang mga matanda.

Nagsalita sila sa kaniya. Sinabi nila: Sabihin mo sa amin kung sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng kapama­halaang ito?

Sumagot siya sa kanila na sinabi: Itatanong ko rin sa inyo ang isang bagay. Sabihin ninyo sa akin: Ang bawtismo ni Juan, ito ba ay mula sa langit o mula sa tao?

Nagtanungan sila sa isa’t isa na sinasabi: Kung sabihin nating mula sa langit, sasabihin niya: Kung gayon, bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan? Ngunit kapag sinabi nating mula sa mga tao, babatuhin tayo ng lahat ng mga tao sapagkat naniniwala silang si Juan ay isang propeta.

Sumagot sila kay Jesus na hindi nila alam kung saan iyon nagmula.

Sinabi ni Jesus sa kanila: Kahit ako, hindi ko rin sasabihin kung sa anong kapamahalaan ko ginagawa ang mga bagay na ito.

Ang Talinghaga Patungkol sa mga Magsasakaga

Sinimulan niyang sabihin sa mga tao ang isang talinghaga. Isang lalaki ang nagtanim ng ubasan. Ipinaupahan niya ito sa mga magsasaka ng lupain at nilisan niya ang bayan sa mahabang panahon. 10 Sa kapanahunan, isinugo niya sa mga magsasaka ang isang alipin upang ibigay nila sa kaniya ang bunga ng ubasan. Ngunit binugbog ito ng mga magsasaka at pinaalis nang walang dala. 11 Muli siyang nagsugo ng isang alipin ngunit binugbog din nila ito at pinagmalupitan at pinaalis nang walang dala. 12 Nagsugo siyang muli ng pangatlo ngunit kanila rin siyang sinugatan at itinaboy palabas.

13 Sinabi ng panginoon ng ubasan: Ano ang gagawin ko? Susuguin ko ang pinakamamahal kong anak na lalaki. Marahil siya ay igagalang kapag siya ay kanilang nakita.

14 Ngunit nang siya ay makita ng mga magsasaka, sila ay nag-usap-usap. Kanilang sinabi: Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya upang mapasaatin ang mana. 15 Nang siya ay kanilang maitaboy palabas ng ubasan, siya ay kanilang pinatay.

Ano nga ang gagawin sa kanila ng panginoon ng ubasan?

16 Darating siya at lilipulin ang mga magsasakang ito. Ang ubasan ay ibibigay niya sa iba.

Pagkarinig nila nito, kanilang sinabi: Huwag nawang mangyari.

17 Tiningnan niya sila at kaniyang sinabi: Ano nga ang kahulugan ng nasusulat na ito:

Ang bato na tinanggihan ng mga tagapagtayo ay naging batong panulok?

18 Ang bawat isang babagsak sa batong iyon ay magkakapira-piraso. Ngunit ang sinumang mabagsakan nito ay madudurog.

19 Ang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan ay naghanap ng paraan upang hulihin siya sa oras ding iyon at natakot sila sa mga tao. Ito ay sapagkat alam nila na sinabi ni Jesus ang talinghagang ito laban sa kanila.

Pagbabayad ng Buwis-pandayuhan kay Cesar

20 Sa pagmamatyag nila sa kaniya, nagsugo sila ng mga tiktikna magkukunwaring matuwid upang maipahuli nila siya sa kaniyang pananalita. Nang sa gayon ay maibigay nila siya sa pamunuan at kapamahalaan ng gobernador.

21 Tinanong nila siya na sinasabi: Guro, alam naming ikaw ay nagsasalita at nagtuturo ng tama. Ikaw ay hindi nagtatangi ng tao. Itinuturo mo ang daan ng Diyos na may katotohanan. 22 Naaayon ba sa kautusan na kami ay magbigay ng buwis-pandayuhan kay Cesar o hindi?

23 Alam ni Jesus ang kanilang katusuhan. Sinabi niya sa kanila: Bakit ninyo ako sinusubukan? 24 Ipakita ninyo sa akin ang isang denaryo. Kaninong anyo ang narito at papatungkol kanino ang nakasulat dito?

Sumagot sila: Kay Cesar.

25 Sinabi niya sa kanila: Ibigay nga ninyo kay Cesar ang mga bagay na nauukol kay Cesar. Ibigay ninyo sa Diyos ang mga bagay na nauukol sa Diyos.

26 Siya ay hindi nila mahuli sa kaniyang pananalita sa harap ng mga tao. Namangha sila sa kaniyang sagot at tumahimik sila.

Ang Muling Pagkabuhay at ang Pag-aasawa

27 Pumunta sa kaniya ang ilan sa mga Saduseo na tumatangging mayroong muling pagkabuhay. Nagtanong sila sa kaniya:

28 Guro, si Moises ay sumulat sa amin na kapag mamatay ang kapatid na lalaking may asawa at walang anak, dapat kunin ng kapatid niyanglalaki ang asawa nito. Kukunin ng kapatid ang asawang babae upang magkaanak para sa kaniyang kapatid na namatay. 29 Mayroon ngang pitong magkakapatid na lalaki. Ang una ay nag-asawa at namatay na walang anak. 30 Kinuha siya ng pangalawa upang maging asawa at ang lalaki ay namatay na walang anak. 31 Ang babae ay kinuha ng pangatlo at hanggang sa pampito, gayon ang nangyari. Wala silang iniwang anak at namatay. 32 Sa kahuli-hulihan, namatay din ang babae. 33 Kung magkagayon, sa muling pagkabuhay, kaninong asawa siya? Ito ay sapagkat naging asawa siya ng pito.

34 Sumagot si Jesus: Ang mga anak ng kapanahunang ito ay nag-aasawa at ikinakasal. 35 Ngunit sa kanila na itinuring na karapat-dapat na magtamo ng kapanahunang darating at ng muling pagkabuhay mula sa mga patay ay hindi nag-aasawa ni ikinakasal. 36 Ito ay sapagkat hindi na sila mamamatay kailanman dahil sila ay magiging katulad ng mga anghel. Sa pagiging mga anak ng muling pagkabuhay, sila ay mga anak ng Diyos. 37 Ngunit maging si Moises ay nagpatunay nito sa salaysay patungkol sa palumpong[a] na ang mga patay ay muling mabubuhay. Ito aynang tawagin niya ang Panginoon na Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob. 38 Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi Diyos ng mga buhay. Ito ay sapagkat ang lahat ay nabubuhay sa kaniya.

39 Sumagot ang ilang guro ng kautusan: Guro, mahusay ang pagkasabi mo. 40 Hindi na sila naglakas ng loob kailanman na magtanong sa kaniya ng anumang bagay.

Kaninong Anak ang Mesiyas?

41 Sinabi niya sa kanila: Papaano nilang sinasabi na ang Mesiyas ay anak ni David?

42 Ito ay sapagkat si David na rin ang nagsabi sa aklat ng mga Awit:

Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon: Maupo ka sa aking kanan.

43 Ito ay hanggang mailagay ko ang iyong mga kaaway bilang tuntungan ng iyong mga paa.

44 Kaya nga, tinawag siya ni David na Panginoon, papaano nga siya naging anak niya?

Mag-ingat sa mga Mapagpaimbabaw

45 Habang nakikinig ang mga tao, siya ay nagsabi sa kaniyang mga alagad.

46 Mag-ingat kayo sa mga guro ng kautusan na nasisiyahang maglakad na may mahabang kasuotan. Ibig nila ang mga pagbati ng mga tao sa mga pamilihang-dako. Ibig din nila ang mga pangunahing upuan sa mga sinagoga at mga pangunahing dako sa mga hapunan. 47 Nilalamon nila ang mga bahay ng mga balo. Bilang pagpapakunwari, nananalangin sila ng mahaba. Ang mga ito ay tatanggap ng higit na mabigat na kahatulan.

Footnotes

  1. Lucas 20:37 O mga mababang puno.